Thursday , April 17 2025
Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

040725 Hataw Frontpage

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera, ang pinakahuling Pulse Asia survey result na ipinapakitang malakas ang suportang nakuha nito ilang buwan bago ang midterm elections sa Mayo.

Sa 0.85% voter preference, malaki ang tsansa ng BH na mapanatili ang silya sa Kongreso upang maipagpatuloy ang adbokasiya para sa mga solo parent at mga mamamayan na hindi gaaanong nabibigyan ng atensiyon ng pamahalaan.

Nagpapasalamat si Herrera sa tiwala ng mga botante, muling tiniyak na ang BH ay isusulong ang mga polisiyang makatutulong sa sambayanang Filipino.

“We are grateful for the continued trust of the people. This motivates us to work even harder to pass laws that provide real solutions — economic relief, education support, and stronger social protection,” wika nito.

Patuloy na isinusulong ng BH Partylist ang mas malawak na tulong-pinansiyal at social support para sa mga solo parents, tinitiyak na magkakaroon ng access ang mga anak nila sa abot-kayang childcare, housing aid at job opportunities.

Matagal nang ipinaglalaban ni Herrera ang pagpapalawig ng suporta ng gobyerno sa mga kapos-palad partikular ang mga mababang sahod na solo parents upang kahit paano ay matulungan silang maitaguyod ang kanilang mga anak.

Higit sa kapakanan ng kanilang pamilya, ipinaglalaban din ng BH ang malawak na oportunidad sa edukasyon sa pamamagitan ng mga scholarhips at financial aids, habang adbokasiya rin ang mapanatiling abot-kaya sa mga konsumer ang presyo ng mga basic goods.

Pokus ng partylist group ang disaster resilience sa pamamagitan ng pagsusulong ng maaayos na infrastructure projects, emergency response systems, at direct economic aid sa mahihirap na pamilya at maliliit na mga negosyante upang makabangon sa kanilang mga paghihirap.

Habang lumalapit ang 2025 midterm elections, nangako si Herrera ng mas ibayong grassroots efforts para maabot ang mga pamilya sa bawat sulok ng bansa.

“We welcome this strong public support and will continue fighting for policies that uplift the lives of Filipinos. With the trust of the people, we can achieve even more in the next Congress,” pahayag pa ni Herrera.

Ang isinagawang Pulse Asia survey nitong 20-26 Pebrero 2025 ay nagpapakita na isa ang BH Partylist sa mga pinipili ng mga botante.

Lumalabas na 46 partylist groups ang malaki ang tsansa na makakuha ng silya sa House of Representatives kabilang ang Bagong Henerasyon.

Gumamit ang survey ng nationwide sample, na sumasakop sa sentimiyento ng iba’t ibang socio-economic classes at regions. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …