Sunday , March 30 2025
TRABAHO Partylist, pasisiyahin mga naghahanapbuhay

TRABAHO Partylist, pasisiyahin mga naghahanapbuhay

SA LAYUNING mapabuti ang kalidad ng trabaho sa bansa, isinusulong ng TRABAHO Partylist ang isang makabagong inisyatiba na naglalayong ibalik ang saya at sigla ng mga manggagawa sa kanilang paghahanapbuhay.

Binibigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng makabuluhan at pangmatagalang trabaho, na may inspirasyon mula sa pandaigdigang pamamaraan at konsepto ng “rediscovering joy at work.”

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, hindi lamang basta pagbibigay ng trabaho ang kanilang adhikain kundi ang pagkakaloob ng makabuluhang hanapbuhay para sa bawat manggagawang Filipino.

Binibigyang-pansin ng kanilang plataporma ang paglikha ng kapaligirang nagtutulak sa pagsasama, personal na pag-unlad, at pangkalahatang kagalingan ng mga empleyado. Dagdag pa niya, ang tunay na kahulugan ng trabaho ay hindi lamang nakasentro sa sahod kundi sa pagtutugma ng kakayahan at hilig ng isang indibiduwal sa kanyang ginagawa, upang mapalakas ang koneksiyon at motibasyon sa trabaho.

“Sa ganitong paraan, natutugunan ang mataas na bilang ng mga temporary jobs at naiiwasan ang high turnover rates,” ani Atty. Espiritu.

Kahapon, personal na pinuntahan ni Atty. Johanne Bautista, first nominee ng TRABAHO partylist, numero 106 sa balota, ang mga opisina, pabrika, pagawaan at palengke sa Navotas upang makita ang kondisyon sa mga pagtratrabaho rito.

Kinumusta niya ang mga manggagawa sa kanilang trabaho pati na rin ang kanilang mga natatanggap na benepisyo upang ito ay masusugan pa.

“Base sa ating pakikipag-usap sa mga  manggagawa sa Navotas, ang pagkakaloob ng non-wage benefits tulad ng team building activities ay nagpapasaya at nagpapasigla sa kanilang paghahanapbuhay. Excited po talaga sila [manggagawa],” pagkukuwento ng abogadong nominee.

About hataw tabloid

Check Also

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …

Casino Plus Makes History with ₱102.5 Million Jackpot – The Largest Online Baccarat Pay Out in Philippine History

Casino Plus Makes History with ₱102.5 Million Jackpot – The Largest Online Baccarat Pay Out in Philippine History

Manila, Philippines – March 24, 2025 – Casino Plus has set a historic benchmark for …

Pag-asa sa Pagsagip ng Buhay Ang Pamana ng Isang Nasawing Boluntaryong Hepe ng Bumbero

Pag-asa sa Pagsagip ng Buhay: Ang Pamana ng Isang Nasawing Boluntaryong Hepe ng Bumbero

Isang nagdadalamhating pamilya sa Tondo, Maynila, ang nakatagpo ng pag-asa matapos ang trahedyang sinapit ng …

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

MALAKING suporta sa kandidatura ni Shamcey Supsup-Lee, sa Konseho ng unang distrito sa Pasig City …

TRABAHO Partylist Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

IBINAHAGI  ng TRABAHO Partylist sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Lunes ang video na …