Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P20-B savings ng gov’t ipinagyabang ni PNoy

IPINAGMALAKI kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na may P20 bilyon pang savings ang pamahalaan na pwedeng paghugutan sakaling maubos ang calamity at contingency funds dulot ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol at Cebu.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat mangamba ang mga biktima ng kalamidad na mauubos ang budget na pang-ayuda ng gobyerno sa kanila dahil bukod sa P20-B savings, sa kasalukuyan ay mayroon pang P176 milyon na calamity funds, at P826 milyong contingency funds.

Sinabi ng Pangulo, ang kinakailangang pondo para sa rehabilitasyon ng Cebu at Bohol ay aabot sa pitong bilyong piso.

“Iyong sa mabagal, may areas na…There are areas kasi nireport: “no isolated areas,” pero pag sinabing no isolated areas, meron pa ring possibility na iyong upland communities, ano, na nawalan ng communications ang nahirapan na mag-transmit na meron silang pangangailangan dito sa mga lugar na ito. But today, I was given the reassurance that there is no community that is not being taken care of,” paliwanag ng Pangulo hinggil sa mga reklamong hindi umaabot sa lahat ng apektadong lugar ang tulong ng gobyerno.

Kaugnay nito, inihayag naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa press briefing kahapon sa Palasyo na makatatanggap ng ayudang pinansyal ang mga biktima ng lindol, P5,000 sa bawat sugatan at P10,000 sa bawat namatay.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …