Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Koko Pimentel

Koko Pimentel pangmatagalang plano sa Marikina: BTS (Baha, Trabaho at Sapatos)

MULING pinagtibay ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang pangako sa pagpapalakas ng mga programang pangkabuhayan at pagtiyak ng pangmatagalang oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino, partikular sa mga taga-Marikina na ang mga industriya tulad ng paggawa ng sapatos ay may mahalagang papel sa lokal na ekonomiya.

Hindi sapat na may trabaho lang pansamantala. Kailangan may pangmatagalang hanapbuhay na kayang bumuhay ng pamilya,” ani Koko. “We need sustainable livelihood programs that protect industries and provide job stability for workers.”

Bahagi ng adbokasiya ni Koko, na kampeon sa Baha, Trabaho, Sapatos (BTS) Program, na tutukan ang pagbaha, paglikha ng trabaho, at pagpapalakas sa industriya ng paggawa ng sapatos ng Marikina. 

Binigyang-diin niya na ang pagpapabuti ng empraestruktura sa pagkontrol ng baha ay mahalaga hindi lamang para sa kaligtasan kundi pati na rin sa seguridad sa ekonomiya.

Kapag baha nang baha, paano ang kabuhayan ng mga taga-Marikina? Hindi lang ito tungkol sa disaster response; this is about protecting jobs, businesses, and the local economy,” paliwanag pa ni Pimentel.

Sinuportahan ni Pimentel ang iba’t ibang mga hakbangin sa kabuhayan at trabaho, kabilang ang tulong para sa mga natanggal na manggagawa, digital skills training para sa pinabuting employability, medikal na suporta para sa mga healthcare worker, at pinataas na tulong ng gobyerno para sa mga maliliit at katamtamang negosyo (SMEs) para hikayatin ang mga lokal na pamumuhunan.

We have to make sure that our workforce is competitive, that local businesses are thriving, and that policies encourage investment in industries that matter,” giit ni Pimentel.

Nanawagan pa si Pimentel sa gobyerno na pabilisin ang mga proyektong nagbibigay ng trabaho, tulad ng infrastructure development at digital upskilling programs, na tutulong sa mga Filipino na makakuha ng pangmatagalang trabaho.

“Ang solusyon sa kawalan ng trabaho ay hindi dapat laging short-term. The government should focus on policies that create lasting employment opportunities by improving business incentives, supporting SMEs, and ensuring that workers are well-trained and competitive,” aniya pa.

Tiniyak ni Pimentel na patuloy niyang isusulong ang mga batas at programang nagbibigay ng seguridad sa trabaho, patas na sahod, at mas magandang kondisyon sa pagtatrabaho.

“Trabaho, hindi lang para ngayon, kundi pangmatagalan. That is what we need to prioritize,” wika pa ni Pimentel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …