Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Para sa mga bomber TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maa

Para sa mga bombero
TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maayos na kondisyon sa trabaho

NGAYONG paggunita ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso, nanawagan ang TRABAHO Partylist para sa mas maayos na kondisyon ng pagtatrabaho at mas mataas na sahod para sa mga bombero sa buong bansa.

Binigyang-diin ng grupo ang panganib na kinakaharap ng mga bombero araw-araw at ang mahalagang papel na ginagampanan nila sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, kailangang itaas ang sahod at benepisyo ng mga bombero sa Filipinas.

Aniya, bagaman mahalaga ang kanilang tungkulin sa pagsagip ng buhay at ari-arian, hindi sapat ang kanilang kasalukuyang kita upang mapunan ang pisikal at emosyonal na bigat ng kanilang trabaho.

Sa kasalukuyan, umaabot lamang sa P29,000 kada buwan ang suweldo ng isang bombero —isang halagang itinuturing ni Atty. Espiritu na hindi sapat lalo sa kanilang likas na delikadong trabaho.

Dahil dito, isinusulong ng TRABAHO Partylist ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan upang itaas ang base pay ng mga bombero at magbigay ng mas mataas na allowance para sa mga hazard-related duties.

Bukod sa pagtaas ng sahod, isinusulong din ng grupo ang mas malaking pondo para sa firefighting equipment, mas maayos na protective gear, at mas mahigpit na pagpapatupad ng workplace safety standards upang matiyak ang kaligtasan ng mga bombero habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Atty. Espiritu, kinakailangang tiyakin ng pamahalaan na may sapat na suporta ang mga bombero upang mapangalagaan hindi lamang ang kanilang kaligtasan kundi pati na rin ang kapakanan ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag Dr John Chiong, DHum

Task Force Kasanag, Muling Nanawagan ng Mahigpit na Pananagutan sa mga Proyekto ng DPWH

Nagdaos ng press conference ang Task Force Kasanag (TFK) sa pamumuno ni Dr. John Chiong, …

Diego Jose Dimayuga Alaina Bouffaut

Dimayuga, Bouffaut kampeon sa National Age Group Triathlon Championships

SUBIC BAY – Nanguna ang Filipino-French na sina Diego Jose Dimayuga at Alaina Bouffaut ng …

World Karate One Youth League Manila 2026

Pilipinas, host ng World Karate One Youth League Manila 2026

MANILA — Isang malaking karangalan para sa bansa! Opisyal nang magho-host ang Pilipinas ng WKF …

Francis Ceccarelli Tallulah Proulx Winter Olympics

PH Team sa 25th Winter Olympics
Proulx at Ceccarelli, iwinagayway bandila ng Pilipinas sa Italya

BORMIO, ITALY – ibinigay ni Tallulah Proulx ang kanyang pinakamahusay sa women’s slalom event ng …

Digital Payment Money

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang …