Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Cruz Coco Martin Dingdong Dantes

Coco at Dingdong target ni Joel Cruz na gumanap sa kanyang biopic

MATABIL
ni John Fontanilla

HANDANG-HANDA na ang tinaguriang The Lord of Scents na si Joel Cruz para isa-pelikula ang kuwento ng kanyang buhay.

At kung sakaling matutuloy  ito ay ang awardwinning  actor na sina Coco MartinDingdong Dantes, at Ryan Agoncillo ang choices niyang gumanap.

Ayon nga kay Joel, “If isasapelikula ‘yung buhay ko gusto ko si Coco Martin, kasi he is very versatile as a director and actor, kaya isa siya sa gusto ko.

“I also like Dingdong (Dantes), although medyo matangkad si Dingdong sa akin, alam ko na puwede rin siya dahil mahusay din siyang actor like Coco.

“Okey din si Ryan Agoncillo, nakasama ko kasi siya sa shooting, nag-cross dress siya, nagandahan ako sa kanya at mahusay din siyang actor.”

At gusto nitong ipakita sa pelikula ang pagsisimula niya sa negosyo at kung paano lumago  ito. Ang pagiging single dad niya sa kanyang anak atbp..Ang mahalaga lang ay inspiring at kapupulutan ng aral ang pelikula.

Lahat gusto ko isama sa movie, mula sa pagkakaroon ko ng mga anak, ‘yung humble beginning at kung paano lumago ‘yung business ko.

“Pati ‘yung nagsara ‘yung garment business ko dahil sa asian crisis, hind ka talaga makasisiguro na kahit ang lakas at super laki mo na, ‘di mo aakalain na darating ‘yung time na magsasara ka.

Pero ang maganda naman sa akin ay hindi ako nawalan ng pag-asa at nagbukas pa rin ako ng panibagong negosyo.

“Ang importante may matutunang aral at marami ang mai-inspire sa movie ‘pag napanood nila.”

Sa ngayon ay abala si sir Joel sa nalalapit na raffle draw ng 25th anniversary ng Aficionado, na magbibigay ito ng P25-M of cash and prizes sa kanilang Aficionado Bangong Milyonaryo Raffle Promo. 

Mamimigay din si Mr Joel ng Kotse, Iphone 16 Promax, E Bike, cash, staycation sa kanyang white house atbp..

Ang raffle draw ay magsisimula sa April 4 sa It’s Showtime. Ang second raffle draw ay sa June 6 at ang grand draw ay sa Sept. 6. Bisitahin lang ang kanilang FB Page (Aficionado) para sa iba pang detalye.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …