Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pammy Zamora kolorum bus 2

Lady solon ‘sabit’ sa kolorum na sasakyan

NA-IMPOUND ang sasakyan na may mukha ng isang lady solon dahil walang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) franchise, hindi tama ang kulay, at walang kaukulang permit.

Base sa Ordinance Violence Receipt (OVR) na inisyu ng Taguig City, ang sasakyan na may mukha ni Congresswoman Pammy Zamora ay ginagamit bilang for-hire service kahit walang tamang dokumento.

“Kung ordinaryong mamamayan ang lumabag, tiyak na may multa agad! Pero siya, isang mambabatas pa man din, e lumalabag mismo sa batas!” ani Mang Nestor, isang jeepney driver sa Taguig.

Lumabas ang impormasyon na maging ang pagpapatayo ng kanyang headquarters ay walang maipakitang building permit.

“Grabe! Tayo nga, kahit maliit na negosyo, daming permit na kailangang ayusin. Pero siya, porke’t may posisyon, parang may sariling batas? Hindi patas ‘yan!” himutok ni Aling Rosa, isang tindera sa palengke.

Wala pang pahayag ang tanggapan ni Zamora ukol sa na-impound na sasakyan.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …