Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala pang 30 araw mula nang buksan
IMBESTIGASYON SA BUMAGSAK NA P1.225B-TULAY IGINIIT SA SENADO

030525 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

HINILING ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa senado ang isang masusing imbestigasyon ukol sa paulit-ulit na mga insidente ng pagbagsak at pagkaputol ng mga tulay sa bansa nang sa ganoon ay papanagutin ang mga contractor, mga opisyal ng gobyerno, at iba pang responsableng dapat managot sa insidente.

“The number of incidents of bridges collapsing across the country has reached an alarming level. These have resulted in fatalities, injuries, and significant economic losses, raising urgent concerns over deficiencies in engineering and design, use of substandard materials, lack of proper oversight, and possible corruption in infrastructure projects,” nakapaloob sa inihaing Senate Resolution No. 1319 ni Pimentel.

“Billions of pesos are spent and years are wasted building these bridges, only for them to collapse in an instant, endangering lives and squandering public funds. Bridges must be built to withstand calamities and heavy use, yet their repeated collapses raise serious concerns,” diin ni Pimentel.

Ang kahilingan ni Pimentel ay kaugnay ng nag-collapse na Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela.

Sa ilalim ng Executive Order No. 124 series of 1987 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magsisilbing engineering at construction arm ng Estado upang tiyaking ligtas ang lahat ng impraestruktura at tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng pagawaing bayan at highways sa pinakamataas na antas ng kahusayan at ang mas higit na angkop na kalidad ng konstruksiyon.

Ang bagong bukas na tulay sa Isabela, may habang  990 metro ay ginastusan ng kabuuang P1.225 bilyon at natapos nitong 1 Pebrero 2025 ngunit ilang linggo pa lamang ang lumilipas mula nang buksan ay bumagsak ang tulay noong 27 Pebrero 2025 nang tangkaing dumaan ng isang overloaded dump truck.

Noon pa mang 2022 ay patuloy nang nanawagan si  Pimentel na repasohin at imbestigahan ang mga  government-constructed bridges matapos matukoy ang ilang mga nakaaalarmang estruktura na kuwestiyonable ang integridad at tibay.

Tinukoy ni Pimentel na ang mga multiple bridge collapses ay maliwanag na ebidensiya ng structural failures.

Ipinunto ng senador, ang pag-collapse ng Magapi Bridge sa Balete, Batangas noong 28 Oktubre 2024 ay muling nabuo ang katanungan sa kaligtasan at integridad ng mga impraestruktura sa bansa.

Sinasabing ang pag-collapse ng naturang tulay ay sanhi ng malakas na daloy ng tubig o pagbaha at ang mga natatangay na mga puno ng tubig sa kasagsagan ng bagyong Kristine.

“These incidents highlight the urgent need to review compliance by national and local governments as well as contractors with engineering standards, design feasibility, maintenance protocols, and infrastructure budget allocation,” pagwawakas ni Pimentel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …