Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
12% VAT sa koryente nais ipatanggal ni Tolentino (Para presyo bumaba)

Para presyo bumaba
12% VAT sa koryente nais ipatanggal ni Tolentino

NAKATAKDANG isulong ni re-electionist Senator Francis “Tol” Tolentino sa kanyang pagbabalik sa senado ang pagtanggal ng 12% value added tax (VAT) sa electric bill upang maging mababa ang singil sa mga mamamayan.

Ayon kay Tolentino sa sandaling tanggalin ito ay hindi naman malulugi ang pamahalaan.

Diin ng reeleksiyonista, sa sandaling mawala ang VAT sa koryente ay makatutulong para palakasin ang purchasing power ng taong bayan.

Tahasang sinabi ni Tolentino na mahina ang pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung kaya’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng koryente.

Hindi inirerekomenda ni Tolentino ang tuluyang pagbasura sa EPIRA Law ngunit naniniwala siyang dapat itong pag-aralan para amyendahan.

Iginiit ni Tolentino na dapat palakasin ang mandato ng ERC. Sa nakaraang disposisyon ng ERC sa Meralco, hinintay pa nilang magpetisyon ang kompanya at tumaas ang singili nitong Pebrero ng P0.28 sentimo  per kilowatt hour (kWh).

Binigyang-diin ni Tolentino na dapat ay maging pro-active ang ERC dahil kitang-kitang ang pagiging mahina nito.

Naniniwala si Tolentino, ang pagkakaroon ng nuclear power ang isa sa solusyon upang maaresto ang patuloy na pagtaas ng presyo ng koryente sa bansa.

Si Tolentino ay dumalo sa Philippine Association of Board of Directors of Rural Electric Cooperatives (PHABDREC) upang tiyakin na kanyang isusulong ang kapakanan at proteksiyon ng mga kooperatiba. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …