Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maymay Entrata Pia Wurtzbach Heart Evangelista

Maymay posibleng gayahin Pia at Heart, kakarerin projects sa int’l runway

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BONGGA rin ang goal ni Maymay Entrata na re-introduce ang sarili very soon.

Although mas visible nga ngayon si Maymay sa ASAP bilang isa sa mga co-host, nais daw nitong ipakilalang muli ang sarili.

Sa mahaba niyang socmed post, inamin nitong nasubukan na niyang gawin ang lahat bilang artist pero nakukulangan daw siya.

Mula sa PBB, hosting, acting, modelling, at singing, nais daw niyang may gawin pa.

Simula kasing mag-hit ang kanta niyang AMAKABOGERA , na-rediscover nga niyang may passion siya to create things na art pa rin ang sentro.

Ang feeling lang namin, baka may mga bagong ilalabas na songs si Maymay. Posible rin ang malaking concert na siya ang main bida. Baka naman natapos na niya ang noo’y sinasabi niyang “libro?” 

Hmmm kakaririn na rin kaya niya gaya nina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista ang mas maraming projects sa runway internationally? 

Or baka naman may bagong show o movie rin siya or baka tama ang marami na sa collab ng GMA 7 at ABS-CBN sa PBB ay may malaki rin siyang role?

Kung alinman sa mga ‘yun, definitely ay parang re-introduction nga ang peg ng mga ‘yun para kay Maymay.

Goodluck!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …