Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Tony Labrusca Kevin Dasom

Herlene pag-aagawan ng 2 lalaki sa bagong serye

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

AY ang taray ni Herlene Budol dahil dala-dalawa ang kanyang leading men sa bago niyang series sa GMA 7.

Makakasama nga ni Herlene sa Binibining Marikit sina Tony Labrusca at Kevin Dasom, mga laking abroad kaya’t walang kiyeme sa mga eksenang gagawin nila with Herlene.

Marami nga ang naaliw nang umamin si Tony na siya pala ang naglabas ng dila sa naging kissing scene nila ng komedyana.

Minsan na rin kasing naging isyu noon kay Herlene ang kagayang eksena lalo’t tila may “malisya” ang pagkakalahad niyon ng naging leading man niya sa isang serye.

But this time, mukhang excited at game pa si Herlene although pinapa-alalahanan niya ang lahat na afternoon time slot sila sa Kapuso Network at mga eksenang naughty-naughty lang daw ang halikan, harutan, at landian.

Hindi po ‘yun ang pokus ng istorya namin. Aliwan lang talaga,” sey pa nito.

Aba naman, kung mga hunk actor gaya nina Tony at Kevin ba naman ang makaka-eksena mo sa harutan at aliwan, mag-iinarte ka pa ba hahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …