Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Zaplan

Janah Zaplan napaiyak ang magulang nang gumradweyt na Cum Laude 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang maluha nina daddy Boyet at mommy Dencie Zaplan sa graduation party ng kanilang anak na si Janah na gumradweyt na Cum Laude sa pagka-piloto sa Air Link International Aviation College (ALIAC).

Ang plano kasi nila ay sorpresahin si Janah sa ibibigay nilang graduation party, pero sila ang nasorpresa ng kanyang asawa dahil sinabi sa kanila ng anak na ga-graduate iyon na cum laude.

“Sosorpresahin sana namin si Janah sa party na ito, pero kami ang nasorpresa niya kasi cum laude!” naiiyak na pahayag ni dadddy Boyet.

Na sinundan naman ni Mommy Dencie ng mensaheng, “We are so grateful na na-blessed si Janah ng talent na ‘di naman basta talent dahil mahirap sa isang tao ang magpalipad ng eroplano.

“And we are so grateful na na blessed siya ng ganoong talent. Salamat sa inyong lahat na nandito ngayong gabi para maki-celebrate sa graduation party niya.

“Hindi niya alam ‘yung party na ito, isu-sorpresa namin siya, pero kami pala ang masu-surprised dahil hindi niya talaga sinabi sa amin na cum laude siya.

“Ngayon ko lang nalaman na siya ay cum laude, we’re proud of her,” anang ama ng dalaga.

Nagbigay din si Mommy Dencie ng payo kay Janah.

“Janah kahit ano man ang marating mo lagi ka magpapasalamat sa Diyos and stay humble, obedient at ipagpatuloy mo ang pagiging mabuting anak. Maging blessing ka sa lahat ng tao, lalo na sa Panginoon na nagbigay sa atin ng lahat ng ito. Wala tayo rito ngayon kung wala ang Panginoon,” pagtatapos ni mommy Dencie.

Ilan sa dumalo at nakisaya sa party sina Froi at Pewee ng Jeremiah, Supremo ng Dance Floor Klinton StartRichard Merck at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …