Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mga Batang Riles Miguel Tanfelix Kokoy De Santos

Miguel hinuhubog maging action prince

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI rin magpapatalo ang katapatang Batang Riles ng GMA 7.

Mas bata ang cast members led by Miguel Tanfelix na umaaksiyon din na pang-riles, pang-kanto at ‘yung nakikita nating bardagulan sa kalsada.

Acting-wise, hindi rin sila nagpapahuli lalo’t balita natin na mismong si direk Laurice Guillen ang natoka sa departamentong ‘yun ng series, with direk Richard Arellano (na galing sa ABS-CBNAng Probinsyano etc..).

Bukod kay Miguel, kasama niya sina Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon. Sila bale ang tropa ng Batang Riles na may magkakaibang kuwento pero may common goal na panatilihing maayos ang buhay-riles.

Bongga rin ang supporting cast ng series gaya nina kuyang Dick Paulate, Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Jay Manalo, Desiree del Valle, Eva Darren, Jeric Raval, Zephanie, Leandro Baldemor, Lara Morena, Ynez Veneracion, Janine Desiderio, Seb Pajarillo, at marami pang iba kasama na ang Miss Universe Top 5 finalist na si Beatrice Luigi Gomez.

Mukhang hinuhubog na rin ng Kapuso Network si Miguel na maging action prince and from what we are seeing, mukhang doon na nga ito papunta. Iba ang angas ni bagets, ang mga tingin na pang-aksyon at ang pagbibitaw ng mga linya na matikas, lalaking-lalaki, at ‘yung awra na nasa stage na hindi na bata, pero hindi pa rin naman binatang-binata.

Ah basta kay sarap niyang panoorin sa screen pati na ang mga kasamahan niyang kapwa niya mga sariwa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …