Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Sa Quezon City
HOLDAPER TIMBOG SA ILEGAL NA BOGA

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 33-anyos lalaking sangkot sa pagnanakaw at nahulihan ng baril nitong Sabado, 18 Enero, sa lungsod Quezon.

Kinilala ng mga operatiba ang suspek na si Raffy Radaza, 33 anyos, residente sa Brgy. Batasan Hills, sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat mula sa Batasan Police Station (PS 6), naglalakad ang biktima sa kahabaan ng IBP Road kanto ng Everlasting St., sa Brgy. Commonwealth, nang agawin ng suspek ang kaniyang mga gamit at tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Nadakip si Radaza dakong 9:28 pm kamakalawa sa bahagi ng Filinvest II Road, kalapit ng DSWD.

Narekober ng pulisya mula sa suspek ang isang ID; isang unit ng Samsung Galaxy A8 na nagkakahalaga ng P5,000; isang coin purse; P800 cash; shoulder bag; isang kalibre .38 baril na walang serial number; apat na bala; at isang itim na kamiseta.

Nakatakdang sampahan ng kasong Robbery (Hold-up) at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng Omnibus Election Code sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …