Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte.

Ayon sa senador, “isa siyang minamahal na kabataan na nagbigay ng karangalan sa ating bansa bilang gold medalist sa Southeast Asian Games at nagsilbi nang buong puso bilang Airman First Class sa Philippine Air Force.”

Aniya, dahil sa isang walang saysay na karahasan, nawala sa atin ang isang talentadong atleta at dedikadong serviceman.

“Sa isang iglap, ninakaw sa kanya ang pagkakataong magpatuloy sa pag-abot ng kanyang mga pangarap at maglingkod pa sa kanyang pamilya, komunidad, at sa ating bayan.

“Nakikiisa ako sa pamilya Guarte, sa buong sports community, at sa Philippine Air Force sa pagdadalamhati sa pangyayaring ito.

“Taos-puso kong ipinapanalangin ang kapanatagan ng kanilang mga puso sa gitna ng matinding pagsubok na ito.”

Hikayat ni Cayetano, “Bigyang-pugay natin ang alaala niya hindi lamang sa pamamagitan ng pagdiriwang sa kanyang mga nakamit kundi sa paghahanap ng hustisya laban  sa karumal-dumal na krimeng kanyang sinapit.

“Sa ating mga tagapagpatupad ng batas, mariin kong ipinapanawagan ang pagsasagawa ng agaran at masusing imbestigasyon upang masigurong mapananagot ang nasa likod ng krimeng ito.

“Walang puwang sa ating lipunan ang karahasan, at tungkulin nating lahat na tumulong sa pagkakamit ng isang mas ligtas na Filipinas para sa lahat.

“Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mervin. Magsilbi nawang inspirasyon sa mga kabataang Filipino at sa mga susunod pang henerasyon ang naging buhay niya bilang atleta at tagapagsilbi ng bansa. Sa tulong ng ating Panginoon, umaasa tayong mamamayani ang nararapat na hustisya para sa kanya,” pagwawakas ng senador.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …