Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan Partylist

FPJ Panday Bayanihan Partylist pasok sa Magic 12

MANILA — Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pangunguna ni Brian Poe, ay nakakuha ng momentum para sa darating na 2025 midterm elections, makaraang makakuha ng magandang posisyon sa SWS survey.

Nakakuha ang partylist ng 1.73 porsiyentong pagtaas sa ika-11 puwesto sa pinakahuling survey ngayong Disyembre.

Nakatuon ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa mga haligi ng pagkain, progreso, at hustisya, na naglalayong iangat ang mga marginalized Filipino at itaguyod ang isang inklusibo at sustainable na kinabukasan para sa bansa.

“Pinasasalamatan namin ang publiko sa pagkilala sa serbisyong tatak FPJ. Ang FPJ Panday Bayanihan ay patuloy na isusulong ang mga polisiyang mas inklusibo para sa lahat ng Filipino,” ani Brian Poe, unang nominado ng Partylist. “Karapat-dapat sa mas magandang buhay ang bawat Filipino na makakamit lamang kapag may seguridad sa pagkain, sustainable na progreso, at mabilis na hustisya,” dagdag ni Poe.

Ang vision ng partylist ay malalim na nakaugat sa tradisyong Filipino ng bayanihan — pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad. Ang terminong Panday ay inspirasyon mula sa iconic na panday na karakter ni Fernando Poe Jr., at sumasalamin sa misyon ng partido na hubugin ang mas magandang kinabukasan para sa mga Filipino, at buuin ang mas matatag at makatarungang lipunan.

Isinagawa ang Fourth Quarter Social Weather Survey mula 12-18 Disyembre 2024, gamit ang face-to-face interviews sa 2,097 rehistradong botante (18 anyos pataas) sa buong bansa: 342 sa Metro Manila, 1,050 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro). Manila), 353 sa Visayas, at 352 sa Mindanao.  (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …