Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

121924 Hataw Frontpage

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang mga pangunahing probisyon sa panukalang batas para sa pagpapalawig ng prankisa ng Manila Electric Co. (Meralco) upang protektahan ang mga mamamayan sa karagdagang pagtaas ng singil sa koryente.

Sa isang liham na ipinadala kay Senate President Francis “Chiz” Escudero at iba pang senador, sinabi ng consumer advocate na si Romeo Junia, ang panukalang batas para sa pagpapalawig ng prankisa ng Meralco, kung hindi susugan, “ay magpapatuloy sa kakayahan ng Meralco na abusohin ang dominanteng posisyon bilang pinakamalaking distribution utility at energy player sa bansa.”

“Ang Filipinas ay hindi lamang mananatili sa nakahihiyang rekord na may pinakamataas na presyo ng koryente sa Timog-Silangang Asya; malamang na mas lalong sumirit kung walang gagawin upang pigilan ang namamayagpag na pang-aabuso ng Meralco sa kapangyarihan ng merkado. Ang pagpapalawig ng prankisa ay isang napakabihirang pagkakataon na maaaring magtakda ang Kongreso ng mga limitasyon sa kapangyarihan ng Meralco,” ani Junia.

Ang aprobadong House Bill 10926 ay naglalayong palawigin ang 25-taong prankisa ng Meralco, na nagbibigay-daan dito upang mapanatili ang sistema ng pamamahagi nito ng koryente sa buong Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, na kumakatawan sa higit 70 porsiyento ng ekonomiya ng Filipinas. Ang katapat na panukalang batas ay nakabinbin sa Senado.

Binanggit ni Junia ang mga reporma at pagpapabuti sa sektor ng enerhiya sa pamamagitan ng mga batas na naipasa at mga nakabinbing batas, tulad ng Electric Power Industry Reform Act of 2001, ang Renewable Energy Act of 2008, at ang iminungkahing Philippine Natural Gas Industry Development Act.

Ipinaalala niya na habang ang Meralco ay may mahalagang papel sa pagkamit ng mga layunin ng naturang mga batas, ang distribution utility ay simpleng ‘hindi hinihikayat’ na ipatupad ang mga ito nang epektibo.

“Sa halip, hahangarin nitong palakasin ang kapangyarihan sa industriya ng enerhiya sa pamamagitan ng paggamit ng monopolyo, na nagbibigay ng higit pang negosyo sa mga paboritong planta ng koryente sa kapinsalaan ng mga kakompetensiya,” aniya.

Hinimok ni Junia ang mga senador na isama ang mga tiyak na probisyon sa panukalang pagpapalawig ng prankisa “upang malinaw na maipakita ang hangarin ng Kongreso na gumuhit ng malinaw na mga linya na hindi maaaring tawirin ng Meralco, kahit na at lalo na mula sa nangingibabaw nitong posisyon sa industriya.”

Sinabi ni Junia, bagaman may mga pananggalang na kasama sa inaprobahang panukalang batas ng Kamara, kailangan itong ulitin sa pamamagitan ng mga parusa, kabilang ang posibleng pagkansela ng prankisa ng Meralco.

“Sa puntong ito, ang iba’t ibang stakeholder ay nagpahayag ng kanilang mga alalahanin at pananaw tungkol sa patuloy na pagsisikap na palawigin, ngayon, ang prankisa na mag-e-expire sa 2028, umaasa kami na makahahanap ng oras ang Senado upang lutasin ang lahat ng mga isyu, tugunan ang lahat ng aming mga alalahanin at isama sa pangwakas na batas ng prankisa ang mga pananggalang na magpoprotekta sa mga mamimili,” aniya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …