Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janice de Belen Espantaho

Janice quota na sa lovelife, ayaw nang magka-BF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

OKEY lang kay Janice de Belen na wala siyang love life. Hindi rin niya gustong magka-boyfriend.

Ito ang nilinaw sa amin ng magaling na aktres nang kausapin namin sa mediacon ng MMFF 2024 entry ng Quantum Films, ang Espantaho noong Disyembre 9, 2024, Lunes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City. 

Iginiit din ni Janice na ipinagdarasal niya na huwag na sanang may dumating na lalaki sa kanyang buhay. Quota na kasi siya sa pakikipagrelasyon at masaya na siya na ang kanyang mga anak at ang tatay niya ang kasama niya sa buhay. 

May lalaki na rin naman daw siya sa kanyang buhay, ang bunsong anak at ang kanyang ama.

Samantala, balik sa paggawa ng horror film si Janice via Espantaho. Matagal-tagal ding hindi gumagawa ng horror movie si Janice at tinanggal lamang niya ang pelikula dahil si direk Chito Roῆo ang director.

Ani Janice, Isa si direk Chito sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang pelikula.

Hindi na ako nagtanong ng role na gagampanan ko. I never even asked. Somehow the director is enough reason for you to accept,” sambit ni Janice.

Bago ang Espantaho, naidirehe na ni Roño si Janice sa mga pelikulang Bakit Kaytagal ng Sandali? (1990), Kailan Ka Magiging Akin (1991), The Healing (2012), at Shake, Rattle and Roll Fourteen: The Invasion (2012).

At tulad ng marami na naintriga sa titulo ng pelikula, ganoon din ang dating sa aktres. Kaya nang matanong kung ano ang makikita sa pelikula na ikatatakot ng manonood, sinabi nitong “Yung ayaw ninyong makita.”

Mapapanood ang Espantaho simula December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …