Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde

Arjo ‘di habol ang award sa paggawa ng Topakk

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAPANGITI ang award winning actor na si Arjo Atayde sa tanong ng entertainment press kung may dulot na kaba sa misis niyang si Maine Mendoza- Atayde na sa tuwing uuwi siya ng bahay ay may mga sugat siya galing sa shooting ng Topakk.

Tsika ni Arjo, ang lead actor sa Nathan Studios entry sa MMFF 2024 movie na Topakk, “Every time you really do action, you really have to expect bruises, wounds.

“Masakit but it’s part of the fun. Minsan, hindi naman sinasadya. Siyempre, you wanted to make a good action film.”

At dahil nga sa ganda ng kanilang pelikula na hinangaan sa ibang bansa ay natanong si Arjo kung award o box office ang gusto niya sa Topakk?

I think, paano ba?, ginawa na namin ang lahat. We gave our best. Umikot na kami. Everyone was so happy, sana masuportahan kami.”

At kahit maraming nagsasabing sa sobrang husay nito sa Topakk ay malaki ang posibilidad na makatanggap ng best actor award ay  very humble nitong sinabi na simula pa lang daw ay hindi nito inisip na sa mga project na ginagawa niya ay mananalo siya ng award.

Naku, since day one, I never think of awards. I’ll do what I can do to contribute as much as U can do.”

Makakasama sa Topakk ni Arjo sina Enchong Dee, Sid Lucero, at Julia Montes with Paolo Paraiso, Cholo Barretto, Jeffrey Tam, Maureen Mauricio, Anne Feo, at marami pang iba.

Showing na ang Topakk sa mga sinehan nationwide simula sa December 25 hanggang January 7, bilang bahagi ng MMFF 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …