Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMFF 2024

GMA naka-block pagpo-promote ng ibang MMFF entries

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HOW true na hindi pinapayagan ng GMA Network na makapag-promote sa kanilang mga show ang mga kalaban nilang entries sa 50th Metro Manila Film Festival?

May entry ang GMA sa MMFF 2024, ang Green Bones na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid at idinirehe ni Zig Dulay na makakalaban ng siyam pang entries tulad ng Topakk nina Arjo Atayde at Julia MontesMy Future You nina Francine Diaz at Seth FedelinHold Me Close nina Carlo Aquino at Julia BarrettoUninvited nina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga MuhlachEspantaho nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; And The Breadwinner Is … ni Vice Ganda;Strange Frequencies: Haunted Taiwan Hospital ni Enrique Gil, Jane de Leon, at Alexa Miro; Isang Himala nina Aicelle Santos, Bituin Escalante; The Kingdom nina Vic Sotto, Cristine Reyes, at Piolo Pascual.

Ayon sa ilang producers na nakausap namin, hindi sila binigyang pagkakataon para makapag-promote ng kanilang entry sa GMA. 

Naka-block kami. Hindi pwedeng mag-promote kasi may entry din sila. Mabuti pa ang TV5 at Kapamilya nakakapag-promote kami,” anang isang may entry sa MMFF.

May entry kasi sila iyon ngang ‘Green Bones.’ Siyempre sa kanila ang GMA kaya wala tayong magagawa riyan,” susog pa ng isang produ.

Dapat hindi ganyan eh, kaso ano laban natin, pag-aari nila ang GMA at pinoproteksiyonan nila siyempre ang movie nila,” sabi pa. 

Ayon pa sa narinig naming usapan, hindi na pumayag ang management ng Kapuso Network na makapag-promote ang ibang kalabang entries dahil, “Last year kasi pinayagan nila mag-promote lahat sa GMA. Kahit ang ‘Rewind’ nakapag-promote rin  sa iba’t ibang show pa ng GMA. Ang nangyari raw, ‘Rewind’ ang kumita, iyong entry nilang ‘Firefly’ kumita rin naman pero hindi masyado. 

“Kaya ayaw na nila ngayon na makapag-promote kahit sino,” dagdag pang tsika.

“Mag-promote na lang kaming mabuti sa ibang platform at andyan naman ang ABS-CBN at TV5 din na puwedeng-puwedeng makapag-promote,” sabi pa.

Nakalulungkot kung totoong may ganitong pangyayari. Sana’y mabago ang desisyon ng GMA sa bagay na ito. Bukas ang aming pahina sa side ng GMA ukol sa usaping ito.

Sa kabilang banda, hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makausap si MMDA Chairman Romando Artes sa  MMFF Celebrity Golf Tournament sa Wack-Wack Golf and Country Clubpara itanong ang bagay na ito.

Subalit umaasa kaming maaayos ang bagay na ito para sa ikauulad ng pelikulang Pilipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …