Tuesday , May 6 2025

VP Sara, VPSPG chief, inasunto ng QCPD

112824 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

SINAMPAHAN ng mga kaso kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) sina Vice President Sara Duterte at Army Col. Raymund Dante Lachica, Vice President Security and Protection Group (VPSPG) commander, ng Direct Assault, Disobedience, at Grave Coercion sa Quezon City Prosecutors Office kasunod ng naganap na insidente sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) nitong Sabado.

Sinamahan sa fiscal’s office ni QCPD Director P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., si Lt. Col. Van Jason Villamor, hepe ng QCPD Medical and Dental Unit at iba pang pulis upang ihain ang reklamo laban kay Duterte na sinabing nanakit sa kanila.

“We have referred a criminal complaint of Direct Assault, Disobedience and Grave Coercion,” ani Buslig.

Nag-ugat ang kaso sa komprontasyon nina Duterte at ng mga pulis nang ilipat sa St. Luke’s Medical Center mula sa VMMC ang chief of staff ng Bise Presidente na si Atty. Zuleika Lopez.

Isinugod si Lopez, sa VMMC matapos itong makaranas ng pagkahilo at pagsusuka hanggang sa ilipat sa St. Luke’s sa E. Rodriguez, QC.

Nakita sa video ang pagsita at pagduro ni Duterte sa mga pulis na noo’y itinalaga para sa kanilang seguridad.

Agad ibinalik si Lopez sa VMMC na dumanas ng acute stress disorder.

Sinabi ni Villamor, hindi nila inakala na gagawin sa kanila iyon ng Bise Presidente dahil tumutupad lamang sila sa kanilang trabaho.

Bukod kina Duterte at Lachica, ilan pang John Does at Jane Does ang sinamapahan ng kaso.

About Almar Danguilan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …