Wednesday , November 27 2024
Dead body, feet

Sa Sipalay City detachment
SUNDALO TODAS SA KABARO

PATAY ang isang 36-anyos sundalo mula sa lungsod ng Iloilo matapos barilin ng kaniyang kabaro sa loob ng Army detachment sa Sitio Barasbarasan, Brgy. Manlucahoc, lungsod ng Sipalay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes ng gabi, 25 Nobyembre.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang biktima at ang 43-anyos suspek na may ranggong staff sergeant bilang pagdiriwang ng kaarawan ng isa nilang kasamahan nang magtalo ang dalawa.

Bumunot ang suspek ang baril at pinaputukan ang biktima sa kaniyang kaliwang braso at dibdib.

Agad dinala ang biktima sa pagamutan kung saan siya idineklarang wala nang buhay habang dinakip at dinisarmahan ng pulisya ang suspek.

Ayon kay Brig. Gen. Joey Escanillas, commander ng 302nd Infantry Brigade (IBde), hinihintay niya ang ulat ng 15th Infantry Batallion kaugnay sa insidente.

Bukod sa kasong kriminal, kahaharapin ng suspek ang kasong administratibo na maaring mauwi sa pagkakatanggal niya sa serbisyo.

Ani Escanilla, ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa loob ng kahit anong detachment at mananagot ang mga sangkot dito

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus FEAT

BingoPlus awards historic ₱154M jackpot prize 

BingoPlus, the country’s premiere digital entertainment platform in the country, marked a historic milestone by …

Farmer bukid Agri

Pagpapataas sa antas ng sektor ng agrikultura muling iginiit ni Escudero

MULING nanawagan sa pamahalaan si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero na itaas ang antas …

Win Gatchalian relief operations

Gatchalian tulong pinaigting
AYUDA SA NASALANTA IPINAMAHAGI PARA SA BICOL AT NORTHERN LUZON

PINAIGTING ni Senador Win Gatchalian ang kanyang relief operations sa ilang munisipalidad sa Catanduanes, Albay, …

Makati Taguig

Residente ng EMBOs  desmayado kay Abby

“MASAMA po ang loob namin. Sabi niya noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang …

Cavite TOL Patriots WMPBL Francis Tol Tolentino

Bilang suporta sa kababaihang atleta  
Cavite TOL Patriots, sasabak sa WMPBL

BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang …