BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang pagbuo ng isang koponan na lalahok sa kauna-unahang tournament ng Women’s Maharlika Pilipinas Basketball League (WMPBL).
Ang koponan, na tatawaging Cavite TOL Patriots, ay pangangasiwaan ni Tolentino bilang team manager.
Sinabi ni Tolentino na nagsagawa ng tryouts ang koponan mula 23-24 Nobyembre sa Tolentino Sports Center sa lungsod ng Tagaytay.
Sa naturang try outs ay lumahok ang mahigit 100 manlalaro, karamihan ay mga taga-Cavite at mga karatig na lugar tulad ng Batangas, Rizal, at Metro Manila. May ilang tryouts na nagmula sa Davao.
“Sa pagbuo ng koponang ito na kakatawan sa lalawigan ng Cavite, binibigyan natin ng oportunidad ang mga kababaihan na ipakita ang kanilang husay sa isang all women’s professional basketball tournament,” pahayag ni Tolentino, na matagal nang sumusuporta sa kabataan at sports development.
Sa pagdalo ni Tolentino sa Women’s Maharlika Pilipinas Basketball League launching and Press Conference pabirong sinabi sa iba pang mga kapawa koponan na dumalo sa pagpupulong na handang mamirata ang kanyang grupo sa mga nagnanais.
Bagay na napangiti ni Tolentino ang lahat dahil bito ngunit nanindigan si Tolentino na dapat suportahan ng lahat ang bawat manlalaro o atleta lalo ang mga kababaihan dahil ang sports ay para sa lahat at hindi para lamang sa mga kalalakihan.
“Umaasa ako na sa pagbubukas ng mga liga tulad ng WMPBL, ay tataas ang skill at competitive level ng Pinay basketball players. Gaya ng Gilas, ang ating men’s national basketball team, na mahusay ang ipinakikita sa regional at international competitions,” dagdag niya.
Pinangunahan ni Coach Norman Manguinao ang tryouts, na dinaluhan nina Tagaytay Councilor Micko Tolentino, panganay na anak ng senador, at Coach Angelica Valera ng Cavite State University.
Dumating si John Kallos Ng WMPBL, na humikayat sa mga kalahok na iangat ang kanilang galing sa basketball para marating ang kanilang mga pangarap. Sisimulan ang unang tournament ng WMPBL sa Enero ng susunod na taon. (NIÑO ACLAN)