Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa pelikula subalit hindi ito natuloy dahil nagkaroon ng problema sa dapat na karakter na gagampanan niya.

Ang tinutukoy ni Ate Vi ay ang Espantaho na pinagbibidahan ni Judy Ann at isa rin sa Metro Manila Film Festival 2024 entry.

Sa Uninvited Grand Launch ipinaliwanag ni Ate Vi ang rason kung bakit hindi natuloy ang pagsasama nila. “The last thing kasi that I heard –while they’re preparing for the movie…Nalaman ko na lamang na isinubmit ‘yung script sa first five para sa MMFF but unfortunately parang hindi napasok, hindi napasok sa first five.

“So it was also Atty. Joji who told me, ‘Go ahead and do the one of Direk Dan Villegas because he is also one of my son. 

‘Do it and I will promise you, I will watch that movie.’ So roon po nanggaling lahat ‘yun,” paliwanag ni Ate Vi. 

Si Atty Joji Alonzo ng Quantum Films ang producer ng Espantaho.

Samantala, kay Ate Vi pala nanggaling ang idea ng Uninvited na entry naman ng Mentorque Productions ni Bryan Dy sa MMFF 2024.

Ani Bryan, “Si Ate Vi po ang nagbigay ng istorya sa amin kaya po nabuo ang ‘Uninvited’.”

Sinabi rin ni Ate Vi na dream story niya ang pelikula nila nina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Matagal ko nang sinasabi na gusto kong gumawa ng isang pelikula na nangyari lang ng 24 hours na mag-uumpisa siya ng maganda, matatapos na delapidated. ‘Yun ang gusto ko.

“Hindi ko alam ‘yung gitna kung paano mangyayari. Sina direk (Dan Villegas) ang nanyari ng istorya sa gitna hanggang nabuo ‘yung ‘Uninvited.’ Binuo nila ‘yung story para sa dream ko,” masayang pagbabahagi pa ni Ate Vi.

Bukod kina Vilma, Aga, at Nadine, kasama rinsa pelikula sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio, Elijah Canlas, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, atTirso Cruz III.

Itinuturing na isa sa malaking pelikula ang Uninvited. Bakit naman hindi, mapagsama-sama mo ba naman ang mga dekalidad na aktor saan ka pa?!

Ang Mentorque Productions ang nasa likod ng may pinakamaraming awards na Pinoy horror movie sa kasaysayan ng pelikulang Filipino, ang Mallari na pinagbidahan ni Piolo Pascual.

Nagbanalik si direk Dan matapos ang anim na taon kasama si Dodo Dayao na siyang nagsulat ng kuwento.

Ang istorya ng Uninvited ay ukol kay Eva Candelaria (Vilma) na matagal nang hinihintay ang kaarawan ni Guilly Vega (Aga), ang bilyonaryong brutal na pumatay sa kaisa-isa niyang anak isang dekada na ang nakaraan. Nagkunwaring socialite, dumalo si Eva sa isang marangyang pagdiriwang na may isang layunin: ang makapaghiganti. Sa paglipas ng gabi, maingat niyang sinusundan ang bawat taong sangkot sa pagpatay sa kanyang anak. 

Tinitiyak naming sulit sa bawat pisong ilalaan nila sa panonood ng ‘Uninvited,’” ani Bryan.

Mapapanood ang Uninvited sa mga sinehan sa buong bansa simula Disvembre 25 bilang bahagi ng pinakahihintay na ika-50 edison ng MMFF

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …