Friday , November 22 2024

PNoy nagbanta vs MWSS board sa Milyon-milyong bonus (Dahil sa mga kaso ng katiwalian)

IPINASISIBAK kay Pangulong Aquino ang mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tumanggap umano ng milyon-milyong pisong bonus at allowances sa kabila ng ‘di magandang financial performance ng ahensya.

Iginiit ng grupo ng mga empleyado sa MWSS board na isauli ang mahigit P1.7 milyon allowance at bonuses na ibinigay sa apat na miyembro ng board sa kabila ng patuloy na mismanagement at katiwalian sa ahensya.

Ang nasbaing opsiyal umano ay kasapakat sa malawakang pagsikil sa karapatan ng mga rank and file ng ahensya na malinaw na paglabag sa patakaran ng Civil Service Commission.

Sa panayam kay Coalition of Filipino Consumer (CFC) convenor Jason Luna, sinabi niyang mayroong malakas na ebidensya laban sa pagpapahintulot ng pagbibigay ng milyon-milyong pisong allowances sa mga miyembro ng MWSS board.

Ayon kay Luna, nakatanggap sila ng mga dokumento mula sa Governance Commission for GOCCs sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na ipinahintulot ang pagbibigay ng milyon-milyong pisong allowances sa apat na miyembro ng MWSS board.

Maging si MWSS Labor Association (MLA) vice president Nap Quiñones ay nagulat sa laki ng bonus na tinanggap ng MWSS board sa kabila ng sinabing pagkalugi ng ahensya.

Batay sa mga dokumento, mahigit P1.74 milyon mula sa pera ng taumbayan ang nagastos upang bigyan ng productivity bonus ang mga miyembro ng MWSS Board.

Nakatanggap ng P388,800 si MWSS Board Chairman Ramon Alikpala, at P 345,600 para kay Gerardo Esquivel.

Tig-P.5 milyon ang naibigay kina MWSS Administrator Emmanuel Caparas at sa kanyang katuwang na si Vince Pepito Yambao.

Sa pamamagitan ng legal na manipulasyon, nailabas ang milyon-milyong pisong pabuya sa pagpirma ng Resolution 2013-066-CO na nagtatakda ng pagbibigay ng bonuses sa MWSS Board.

Bahagi umano ito ng Performance-Based Incentive (PBI) sa Memorandum Circular 2012-14.

“Resolved, further the Board hereby attests that Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) is qualified to grant the fiscal year (FY) 2012 performance-based incentive (PBI) to its eligible appointive directors/trustees, having met all the necessary conditions.”

Sa pamamagitan ng paglagda ng mga miyembro ng board sa pamumuno ni Alikpala, Esquivel, Raoul Cresencia, Fr. Jose Ramon Villarin, Caparas, Ma. Cecilia Soriano at Yambao kinuha umano ang pondo mula sa corporate funds ng MWSS.

Apat lamang sa pitong miyembro ng board ang lumagda.

Pinuna ng grupo ang umano’y di patas na pagtrato ng MWSS board sa mga rank-and-file na patuloy na ginigipit matapos magsampa ng kasong katiwalian sa Ombudsman ang MWSS Labor Association.

Nagsagawa ng streamlining ang board sa pangunguna ni Esquivel, kasalukuyang administrator, nang nagsampa ng kaso laban sa kanya ang mga empleyado.

Naniniwala ang rank and file na ginipit nina Esquivel at Yambao ang mga lider unyon upang mapwersang huwag nang ipagpatuloy ang naisampang kaso.

Nagsampa ang unyon ng mahigit 11 kaso ng katiwalian laban kay Esquivel matapos magbigay ng mahigit P88 milyon  sa umano’y ghost consultants.

Ilan sa kanila ay tatlong personalidad na nasa likod ng mga pakana laban sa water firms.

Isa rito, isang nagngangalang Leyan Lopez ay nakatanggap ng mahigit P.5 milyon. Mahigit P3 milyon ang nagamit ni Esquivel upang pondohan ang PR campaign laban sa concessionaires.

Plano ng board at maging nina Caparas, chief regulator katuwang ni Yambao, na ipatapon ang mga lider unyon sa malalayong assignments upang mabiyak ang unyon.

Batay sa mga dokumento, mula 2011, mahigit 47 ‘consultants’ ang hinirang ni Esquivel.

Sa bilang na ito, gumastos ng P88 milyon sa panahon lamang ng Abril 2011 hanggang Marso 2012, para sa 24 consultants na may sweldong P5,000 hanggang P125,000 na umabot sa P5.3 milyon.

(MON ESTABAYA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *