Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Topakk

Mga barako sa Topakk nagkaiyakan sa cast screening

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATAWA naman kami ng kuwento ni Sylvia Sanchez na nagka-iyakan ang mga barakong bida sa Metro Manila Film Festival 2024 entry ng Nathan Studios Inc., ang Topakk na pinagbibidahan nina Cong. Arjo Atayde, Julia MontesSid Lucero, at idinirehe ni Richard Somes.

Ito ang ibinuking sa amin ni Ibyang nang kulitin namin ukol sa isinagawang Cast Screening noong November 16 na isinagawa sa Mowelfund at tinawag nilang Coming Home matapos itong dalhin sa Cannes Film Festival 2023 na tuwang-tuwa nga raw ang lahat matapos mapanood ang Topakk

Ani Sylvia, “After nilang (buong cast) mapanood grabe ang saya-saya nila at ang ingay-ingay. Grabe ang kuwentuhan sa mga eksena. 

“Matagal kasing hinintay ng cast na mapanood nila ang movie dahil ni minsan hindi nila napanood ito dahil dinala nga namin sa ibang bansa. 

“Kaya excited silang mapanood ang movie nila,” nakangiting tsika ni Ibyang. 

November 16 ginanap ang Cast Screening na bukod kina Arjo, Julia, at Sid dumating ang buong cast tulad nina Kokoy de Santos, Michael Roy Jornales, Vin Abrenica, Paolo Paraiso, Enchong Dee, at marami pang iba. 

“Ang saya-saya nagdatingan ang buong cast, tawanan, kuwentuhan habang nagla-lunch. Excited kung ano itsura ng kabuuan ng pelikula.

“Noong nagsimula na ang movie biglang tumahimik lahat at walang tumatayo para umihi. Hindi ka pwedeng tumayo dahil marami kang mami-miss,” nakangiting pagbabahagi ni Ibyang. 

“At nagpapalakpakan pa sila sa mga ibang eksena at may mga tumatawa sa mga nakaaaliw na dialogue. 

“At pagkatapos mapanood, nagkamayan silang lahat. ‘Yung iba nagyakapan at kitang-kita sa mga mukha nila na kuntento sila sa napanood nila,” wika pa ng producer. 

Kitang-kita naman ang excitement sa pictorial na isinagawa after ng cast screening. At sinabi ng buong cast na lahat siya ay excited mag-promote ng Topakk.

Kaya ‘wag kalimutang panoorin, ang Topakk sa December 25 na isa sa sampung entries sa darating na Metro Manila Film FestivalTopakk na!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …