Thursday , November 21 2024
Alan Peter Cayetano Chemical Weapons Convention OPCW

Panukalang palakasin tindig ng bansa laban sa chemical weapons

NAGPAHAYAG ng suporta si Senador Alan Peter Cayetano sa panukalang batas na naglalayong palakasin ang paninindigan ng Filipinas laban sa mga chemical weapon.

Bilang miyembro ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, pinirmahan ni Cayetano kasama ang iba pang Committee Report No. 344 para sa Senate Bill No. 2871.

Ito ang Act “Prohibiting the Development, Production, Stockpiling, and Use of Chemical Weapons, Providing for Their Destruction, Imposing Penalties for Violations, and Appropriating Funds Therefor.”

Tugon ng Filipinas, ang panukalang ito sa mga obligasyon ng bansa sa Chemical Weapons Convention (CWC), ay tumututok sa pagwasak at pagbabawal ng mga chemical weapon sa buong mundo.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang Anti-Terrorism Council (ATC) ang itatalaga bilang Philippine National Authority sa Chemical Weapons Convention (PNA-CWC).

Sila ang magiging pangunahing ahensiya para sa pakikipag-ugnayan sa Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) at sa iba pang mga kasaping bansa upang matupad ang mga tungkulin ng Filipinas sa kasunduan.

Ipinagbabawal ng panukala ang paggawa, pagtitipon, pagkuha, paglipat, at paggamit ng chemical weapons.

Sakop din nito ang pagbabawal ng paghahanda para sa mga military operations na gumagamit ng chemical weapons, pagtulong o paghikayat sa mga gawain na ipinagbabawal ng kasunduan, at pag-export o pag-import ng mga Schedule 1 chemicals mula sa mga bansang hindi kasapi sa kasunduan.

Kasama rin sa ipinagbabawal ang paggamit ng riot control agents bilang sandata sa digmaan.

Matagal nang tumitindig si Cayetano laban sa “weapons of mass destruction.” Noong 2017, bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs, nilagdaan niya ang kasunduan laban sa nuclear weapons sa 72nd United Nations General Assembly sa New York.

“The world will only be safe if we eliminate all weapons of mass destruction,” ani Cayetano sa nasabing pagtitipon. (NINO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …