Saturday , April 12 2025
Vendors Partylist Association of Private Slaugtherhouse and Market Operators og QC

Para sa kapakanan ng mga tindero
Partylist ng vendors, asosasyon ng QC private slaughterhouse/market operators nagsanib-puwersa

NAGSANIB-PUWERSA ang Vendors Partylist at Association of Private Slaugtherhouse and Market Operators ng Quezon City upang isulong at itaguyod ang kapakanan ng mga vendor sa buong bansa.

Ayon kay Vendors Partylist first Nominee Malu Lipana, isa sa mga titiyakin nila sa kanilang pag-upo sa kongreso sa sandaling manalo sila sa darating na halalan ay magkaroon ng tama at sapat na kinatawan sa kongreso ang kanilang hanay.

Paglilinaw ni Lipana, maging ang mga mangingisda at magsasaka ay kabilang sa kanilang sektor dahil sila ay pawang nagbebenta ng mga paninda o kalakal.

Maging si Lorenz Pesigan, ang second nominee ng partido ay naniniwala na sa sandaling sila ay makaupo sa kongreso ay tiyak na magkakaroon ng tamang representasyon para sa mga vendor upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan para mapaunlad ang kanilang pagnenegosyo.

Inilinaw nina Lipana at Pesigan na tulad ng iba, sila ay mga vendor bago kung kaya’t nais nilang paglingkuran ang taong bayan dahil alam nila ang pangangailangan ng mga vendor.

Para kina Lipana at Pesigan kailangang tiyaking mas lalo pang madagdagaan at mapalago ang puhunan ng mga vendor.

Kaugnay nito tiniyak ni Wilfredo Bonbon Aga, ang bagong halal na Pangulo ng asosasyon, na buong suporta ang kanilang ibibigay sa partido nang sa ganoon ay maiparating sa kongreso hindi lamang ang tinig ng mga vendor kundi magkaroon ng solusyon ang kanilang mga pangangailan.

Kompiyansa sina Aga at Shred Santiago, ang ikalawang pangulo ng asosasyon na mabibigyan sila ng proteksiyon ng partido laban sa mga abusadong may-ari o nagpapaupa sa mga palengke.

Samantala siniguro ng partido at asosasyon ang dagliang tulong at pagdamay sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Kristine.

Tinitiyak ng Vendors Partylist na lalawak pa ang kanilang Partido dahil kaalyado nila ang Pasig vendors at iba pang vendors’ association sa iba’t ibang panig ng bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …