Friday , November 1 2024

Seguridad para sa Undas 2024, inilatag ng QCPD

INILATAG ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Acting District Director, P/Col. Melecio M. Buslig ang comprehensive security deployment plan para matiyak ang seguridad ng publiko sa paggunita sa All Souls’ at All Saints’ Day bukod sa mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong panahon ng paggunita.

Inaasahang libo-libo ang daragsa para bumisita sa anim na sementeryo, 26 columbaria, at sa iba’t ibang  bus terminals sa lungsod.

Para matiyak ang seguridad ng publiko, ang QCPD ay magpapakalat ng 7,647 personnel, kinabibilangan ng 4,786 mula sa PNP, 234 barangay tanods, 110 mula sa Lingkod Bayan Advocacy Support Groups, 11 Patrolya ng Bayan teams, 2,316 security guards, at 190 personnel sa Department of Public Order and Safety (DPOS). May karagdagang suporta rin na manggagaling sa Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Task Force Disiplina.

Para sa suguridad ng mga sementeryo,  486 personnel ang itatalaga sa limang major sites, kabilang ang 221 mula sa QCPD, 109 force multipliers, at  156 sa DPOS.

Samantala, 308 personnel sa  QCPD at 182 force multipliers ang tutulong sa pagbabantay sa 26 columbaria.

Kaugnay nito, may karagdagang 112 QCPD personnel at 65 force multipliers ang itatalaga sa  27  bus terminals, at 344 personnel ang magbibigay seguridad sa 12 LRT/MRT stations sa bisinidad ng  Quezon City.

Bukod sa 2,609 personnel ang tutulong sa pagsasayos ng trapiko sa lansangan hindi lamang sa sementeryo kung hindi maging sa malls, markets, parks, at  places of worship.

Sinabi ni Buslig, maglalagay ang QCPD ng mga Police Assistance Desks sa bawat sementeryo upang alalayan ang publiko. Gagamiting din ang QCPD Drone Squadron para sa pagmamanman sa kumpol ng tao  via aerial.

               “For any suspicious activities or emergencies, I urge the public to contact the QC Helpline 122 for quick response,” ani P/Col. Buslig Jr.

“Your vigilance and cooperation with local guidelines are crucial for us to ensure a safe and peaceful UNDAS 2024. Together, we can preserve the solemnity of this observance and uphold the safety of our community,” (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …