Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Magdyowang nag-iwan ng patay na sanggol sa QC bus terminal inaresto sa Gapan

Magdyowang nag-iwan ng patay na sanggol sa QC bus terminal inaresto sa Gapan

ARESTADO ang isang magkasintahan ng mga operatiba ng Nueva Ecija Police matapos iwanan ang patay na bagong silang na sanggol sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 6:00 pm kamakalawa, 23 Oktubre, nang matagpuan ang sanggol sa labas ng banyo ng Baliwag Bus Terminal sa Montreal St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg. George A. Caculba, nakita ng porter na si Isidro Tamta Papinit ang nakabalot na tela sa sahig, at nang suriin ay bumungad sa kaniya ang patay na sanggol kaya agad niya itong ini-report sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat, nakitang nakakonekta pa rin sa pusod ang saggol at kasama pa ang inunan nito nang matagpuan sa tabi ng isang drum ng tubig malapit sa banyo ng terminal.

Agad nirepaso ng mga awtoridad ang CCTV footage mula sa terminal at nakitang lumabas ang isang lalaki at isang babae na may hawak na sanggol na nakabalot sa puting t-shirt at inilapag sa labas ng banyo ng terminal.

Nakunan din sa CCTV ang sinakyang bus ng magkasintahan patungong Gapan, Nueva Ecija.

Agad tinawagan ng liaison officer ng terminal na si Johnny Manfoste ang konduktor ng bus at nalaman na nakasakay pa rin doon ang magkasintahan.

Nang malaman ng driver ang insidente ay agad siyang nagtungo sa Peñaranda Police Station at ipinaaresto ang magkasintahan.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Quezon City police sa mga awtoridad ng Nueva Ecija para sa imbestigasyon. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …