Friday , November 22 2024
BuCor Bureau of Corrections

Sa buong bansa  
240 PDLs pinalaya ng Bucor

PANIBAGONG 240 persons deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya ngayong araw ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa iba’t ibang prison and penal farm sa bansa.

Umabot na sa 6,110 ang bilang ng mga PDL na inilabas mula Enero sa kasalukuyan taon.

Ayon kay BuCor chief, Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., ang culminating activity ay ginanap sa New Bilibid Prison (NBP) Sunken Garden sa NBP Compound, Muntinlupa City pagkatapos ng thanksgiving mass bilang bahagi ng pagdiriwang ng BuCor ng National Correctional Consciousness Week.

Sinabi ni Catapang, Jr., sa mga nakalabas na PDLs, 124 ang nakapagsilbi sa kanilang maximum sentence, 30 ang naabsuwelto, 16 ang nasa ilalim ng probation, 69 ang nabigyan ng parole.

Sa nasabing bilang, 19 ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW – Mandaluyong City),

2 mula sa CIW – Mindanao, 33 mula sa Davao Prison and Penal Farm, 6 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 15 mula sa Leyte Regional Prison , 49 mula sa NBP – Maximum Security Camp, 48 mula sa NBP – Medium Security Camp, 10 mula sa NBP – Minimum Security Camp, 5 mula sa NBP – Reception and Diagnostic Center.

Samantala, 23 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm, at 30 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Hinikayat ni Catapang ang mga pinalayang PDL na yakapin ang pangalawang pagkakataon sa buhay na may responsibilidad at pasasalamat kaakibat ng determinasyon at positibong pagbabago. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …