Friday , November 22 2024
Bus Terminal Passengers

Dagsa ng biyahero sa PITX nagsimula na, ilang biyahe ng bus kanselado sa bagyo

NAGSIMULA nang maramdaman ang pagdami ng tao sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). 

Sa pinakahuling tala ng nasabing terminal, pumalo ang kanilang monitoring sa mahigit 64,000 biyahero.

Sa kabila nito, inaasahan ng pamunuan ng PITX na tataas pa ang bilang habang papalapit ang Undas kompara sa bilang ng pasahero sa mga regular na araw ng biyahe.

Ang naturang bilang anila ay kadalasang nangyayari tuwing sasapit ang tanghali o early afternoon.

Dahil dito, simula ngayon hanggang 5 Nobyembre  ay nakatutok ang PITX sa buhos ng mga pasahero sa kanilang terminal na inaasahang aabot ang kabuuang bilang sa 2.4 milyong pasahero.

Kaugnay nito, ramdam na ang epekto ng bagyong Kristine sa mga biyahe ng bus kahapon, 21 Oktubre, kaya kinansela ang mga biyaheng Masbate na nakatakdang umalis dakong 12:30 pm ang RORO ganoon din ang biyaheng Virac, Catanduanes na aalis sana dakong 4:30 pm. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …