Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sugar Mercado Melona

Sugar itinanggi relasyon kay Willie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUPER tanggi si Sugar Mercado sa kumakalat na tsismis sa kanila ni Willie Revillame. Loveless at wala raw siyang panahon sa pag-ibig. 

Ito ang nilinaw sa amin ni Sugar nang makausap sa contract signing ng bago niyang endorsement, ang Melona Beauty Drinks na pag-aari nina Dr. RJ Evangelista at Charles Arriza ng Horizons Health and Beauty Products Corp.. na ginanap ang pirmahan kamakailan sa Kamagong Function Room ng Dusit Thani Hotel.

Giit ni Sugar, “Wala talaga. Parang ‘yung oras ko, ibigay ko na lang sa importante like una sa anak ko.

Napakarami kong tinutulungan para maisingit ko siya sa bahagi ng buhay ko. If ever, in time, kung parang gusto ko ng pahinga, kung ibibigay ni Lord, okay ako. Pero kung wala, okay ako. Okay ako ng wala (lovelife), okay ako ng mayroon. Pero ngayon, choice kong anak ko lang,” paglilinaw ni Sugar na aliw kausap.

Nang usisaian namin kung paano nag-umpisang iniugnay siya kay Willie, sinabi nitong hindi rin niya alam kung saan nanggaling.

Pakiusap nga ni Sugar, huwag nang palakihin pa.

Basta ok po kami, ‘wag na lang palakihin, basta we’re okay ni Kuya Wil,” ani Sugar na naging co-host ni Willie noon sa show nitong Wowowin.

At dahil maraming bagong co-host si Willie na magaganda at sexy,  natanong namin si Sugar kung willing pa ba siyang makatrabaho muli si Kuya Wil.

Sagot ni Sugar, hindi na niya kayang magampanan pa ulit na maging co-host. Depensa kasi niya, “Kasi si Kuya Wil, napaka-perfectionist sa trabaho. Saludo ako sa kanya roon. 

“Lahat ng issue sa kanya about that, alam ng mga nagtatrabaho sa kanilang kaya siya yumaman kasi ganoon  siya magtrabaho talaga.

“Wala sa kanya ‘yung kahit na ano ka pa niya, kamag-anak ka niya o anak ka niya, gusto niya, pulido ‘yung trabaho.

“And hindi ko na kayang ibigay ‘yun. Kasi may anak na ako. Kailangan kong mag-focus talaga sa business ko.

“Kasi ‘yun ‘yung kailangan ng mga anak ko. Basta ako, kung ano ‘yung ikabubuti ng anak ko, roon ako,”wika ni Sugar.

Okey naman si Sugar sakaling kunin siya sa ibang noontime show. Basta hindi iyong makukuha ang lahat ng oras niya na para rin sa kanyang mga anak.

Ukol naman sa bagong endorsement, masaya si Sugar lalo’t nagustuhan niya ang produkto.

Aniya, bago siya umoo sa Melona ay ginamit muna niya ito ng ilang buwan para makita kung talagang effective. Nakita naman niya na maganda ang naidulot sa kanyang  katawan, kaya napa-oo siya kina Doc RJ at Charles.

Super proud si Sugar sa kanyang produktong ineendoso dahil nakatutulong ito para lalo pang gumanda at mapanatili ang kanyang kabataan.

Kasabay ni Sugar na pumirma ng kontrata bilang endorser ang Viva artist na si Kyle Villanueva.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …