Monday , November 25 2024
Kiko Pangilinan Sharon Cuneta

Kooperasyon sa Marcos gov’t puwede kay Kiko laban sa gutom

100924 Hataw Frontpage

SA PAGHAHAIN ng kanyang certificate of candidacy, (COC) sinabi ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Martes na handa siyang makipagtulungan sa gobyernong Marcos upang wakasan ang gutom.

“Handa tayong isantabi ang politika upang tulungan ang gobyerno dahil walang kulay politika ang gutom,” ani Pangilinan sa kanyang pambungad na pahayag sa The Manila Hotel Tent City ng Commission on Elections (Comelec).

Binanggit niya na nananatiling problema ng mga Filipino ang mataas na presyo ng bigas at iba pang bilihin. “Nais ko muling bumalik upang masolusyonan ang idinaraing ng ating mga kababayan,” aniya.

Bilang presidential assistant ng food security at agricultural modernization noong 2014 sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino, nakatulong siyang pababain ang rice inflation mula 15 porsiyento hanggang 0.8 porsiyento sa loob ng isang taon, ang pinakamababang inflation rate sa bansa sa loob ng 20 taon o mula noong 1995.

Noong panahong iyon, ang presyo ng bigas sa palengke ay nasa pagitan ng P36 at P38 kada kilo.

Ngayon, nasa pagitan ng P52 at P60 kada kilo ang mga presyo ng bigas.

“Nagawa na natin ito noon, kayang-kaya nating solusyonan ulit ito ngayon basta nagtutulungan ang lehislatura at ang executive branch,” ani Pangilinan.

Sa loob ng tatlong buwan pagkatapos ng kanyang appointment sa Gabinete, tumulong si Pangilinan para panagutin ang mga smuggler, mga abusadong negosyante at hoarders, kinompiska ang smuggled na bigas na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso, nagsampa ng mga kasong kriminal laban sa kanila, at binawi ang kanilang mga permit.

At nagsampa rin ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng National Food Authority (NFA) sa anim na rehiyon sa buong bansa.

Bilang NFA chairman, ginawa niya ito sa tulong ng Bureau of Customs (BoC), National Bureau of Investigation (NBI), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa unang pagkakataon sa 42-taong kasaysayan ng NFA, ginawa niyang patas at napapanahon ang sistema ng pag-aangkat ng bigas.

“Tinigil natin ang pag-import ng overpriced na bigas mula sa Thailand at Vietnam. Tinigil din ang tongpats,” sabi niya.

“Gutom ang taongbayan sa solusyon. Gutom ang taongayan sa mga pangarap. Gutom ang taongbayan sa pag-asa. Kapag walang bahid, kapag tapat, at totoo ang pamumuno at paglilingkod, mawawala na rin ang paggiging gutom ng ating minamahal na mga kababayan,” dagdag ni Kiko. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …