Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsuper ng jeepney nangholdap kulong, taxi driver hinoldap utas

KULONG ang isang jeepney driver  habang nakatakas ang kanyang  kasamahan matapos hablutin ang bag ng isang dalaga na nag-aabang ng sasakyan  sa Navotas City kahapon umaga.

Kinilala ang suspek na si Leonardo Almacen, 29-anyos ng 100 Interior St., Brgy. Bagong  Bayan South (NBBS) sa nasa-bing lungsod na nahaharap sa kasong robbery-snatching habang pinag-hahanap ang kasama ni-yang alyas Nonoy na mabilis na tumakas ta-ngay ang laman ng bag.

Sa ulat ni SPO1 Noli Dait, may hawak ng kaso, dakong 7:25 ng umaga nag-aabang ng masasak-yan ang biktimang si Anna Marie Quesmundo, 26-anyos, sa kanto ng C-4 Road, North Bay Boulevard North (NBBN) ng lungsod.

Sa salaysay ng biktima, ilang minuto pa lamang siyang nakatayo sa tapat ng convenient store sa nasabing lugar nang  hablutin ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone at P8,000 cash. Humingi siya ng tulong sa kalapit na police station at sa isinagawang follow-up ope-ration ay nasakote ang suspek habang pinaghahanap ang kasama ni-yang may tangay sa bag ng biktima.

Samantala, sa isang hiwalay na insidente, iniimbestigahan ng mga tauhan ng Las Piñas Police ang nadiskubreng bangkay ng driver na may tama ng bala sa ulo sa loob ng minamanehong taxi kahapon ng mada-ling araw.

Naliligo sa sariling dugo ang biktimang si Daniel Atis, ng 3769 Padilla St., Lower Bicutan, nakasubsob sa manibela ng minamanehong LBR taxi (UYA-214) dakong 12:45am, sa C-5 Extension, Barangay Pulang Lupa Uno.

Ani Romulo Velarde, barangay tanod, kay SPO3 Crisando Calatay ng Station Investigation and Detective Management Section, nakita ni-yang nakaparada ang taxi at napuna niyang nakasubsob ang driver na ina-kala niyang natutulog.

Ayon kay Sr/Supt. Adolfo Samala, hepe ng Las Piñas police, posib-leng hindi holdap ang motibo sa pagpaslang dahil hindi kinuha ang P2,100 sa bulsa ng  bik-tima. Ang labi ng biktima ay inilagak sa Royalty Funeral Homes para sa awtopsiya.(ROMMEL SALES/JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …