Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasig SOG member sugatan sa kariton boy

Sugatan ang miyembro ng Special Operations Group (SOG) ng Pasig City matapos saksakin ng isang vendor habang nagsasagawa ng clearing operation sa Mega Market, Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Pasig City chief of police Sr/Supt. Ma-rio Rariza ang biktima na si Robert Martinez, 41, may asawa at residente ng Ka-pitan Ato St., Brgy. Sta Cruz sa nasabing lungsod.

Tumakas ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Rolando,  residente ng Brgy. Palatiw, isa sa kariton boys na nagtitinda sa paligid ng Pasig Mega Market.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:00 ng umaga sa vegetable section ng Pasig Mega Market.

Nagsasagawa ng clearing operation ang SOG nang madakip ang suspek kasabay ng pagkompiska sa kanyang mga paninda.

Habang nagtatalo ang dalawa biglang inundayan ng saksak ng suspek ang biktima na tinamaan sa kanang braso.

Agad sinaklolohan ng kanyang kasamahan ang biktima saka dinala sa Pasig City General Hospital.

Ligtas na ang pasyente at kasalukuyang nagpapagaling.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …