Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Reclamation Authority PRA Bagong Pilipinas

PRA suportado, tutuparin Bagong Pilipinas vision

IBINIDA ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong sa ekonomiya ng Filipinas kundi maging sa transportasyon ng mga Filipino.

Sa ginanap na Transport and Logistic Forum  2024, ipinagmalaki ni PRA Chairman Alex Lopez ang reclamation project sa Manila Bay partikular sa lungsod ng Pasay na inaasahang magiging bagong tahanan ng nasa mahigit 20 hotels at iba pang commercial establishements.

Tinukoy ni Lopez na itatayo ang bagong opisina ng PRA sa nasabing lugar at ang sinasabing legacy infrastructure project ng Marcos administration na International Convention Center (ICC) na mahigit sa doble ang laki ng pinagsamang PICC at  SMX convention center.

Ipinaliwanag ni Lopez, target ng PRA na tuparin ang adhikain ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr., na Bagong Pilipinas.

Iginiit ni Lopez, sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay kayang suportahan ang mga lumalagong pangangailangan ng mga Filipino.

Binigyang diin ni Lopez na halos walang gagastusin ang pamahalaan sa mga proyekto ng PRA dahil mga pribadong sektor ang gagastos para sa development kapalit ng 49% pagmamay-ari sa matatapos na proyekto. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …