Thursday , September 19 2024
Tenement area tinupok ng apoy 1,950 pamilya nawalan ng tirahan

Tenement area tinupok ng apoy 1,950 pamilya nawalan ng tirahan

NAWALAN ng tirahan ang hindi bababa sa 1,000 pamilya sa sunog na umabot sa ikalimang alarma sa isang malaking residential area sa Vitas, Tondo, lungsod ng Maynila, nitong Sabado, 14 Setyembre.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tinupok ang 12 gusali ng Aroma housing site, sa Vitas, ng sunog na nagsimula dakong 11:44 am kamakalawa.

Itinaas ito sa ikatlong alarma dakong 11:56 am hanggang sa ikalimang alarma bandang 12:13 ng tanghali.

Dakong 12:24 pm nang itaas ito sa Task Force Alpha, hanggang sa Task Force Bravo dakong 1:33 ng hapon.

Sa ulat ng BFP, magkatuwang na inapula ang malaking sunog ng mga tauhang sakay ng 14 fire trucks mula Manila Fire District at 17 iba pang fire truck mula sa mga kalapit na fire district.

Pilit na isinalba ng mga residente ang maililigtas pa nila mula sa sunog kabilang ang mga kagamitan sa bahay at mga alagang hayop.

Nagtungo ang mga lumikas na residente sa mga gasolinahan at sa center island ng Road 10 habang inaapula ng mga bombero ang sunog.

Nagresulta ito ng masikip na trapiko na nakaapekto sa mga truck na papasok at palabas sa mga pier ng Maynila, pati ang mga sasakyang bumibiyahe patungong Caloocan at Navotas.

Sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nagpadala ang Philippine Air Force 505th Search and Rescue Brigade ng helicopter na nagbuhos ng malalaking timba ng tubig upang makatulong sa pagpatay ng sunog.

Idineklarang kontrolado ang sunog dakong 6:20 ng gabi, matapos ang 13 oras mula nang magsimula ang sunog, tuluyan itong naapula dakong 12:17 am, nitong Linggo, 15 Setyembre.

Sa imbestigasyon, tinatayang P2.5 milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian at pito ang naiulat na nasugatan sa sunog na tinutukoy pa ang dahilan at kung saan nagsimula.

Nagsisilbing mga evacuation center ang mga covered courts ng Barangay 105, Barangay 106, at Vicente Lim Elementary School, sa Tondo.

About hataw tabloid

Check Also

Isko Moreno Doc Willie Ong

Isko hiling na ipanalangin paggaling ni Doc Willie

I-FLEXni Jun Nardo LUBOS na nalungkot si Isko Moreno nang malaman ang kalagayan ng kaibigang si Doc Willie …

SM Supermarket Savemore FEAT

Discounts and Delights: A Thrilling New Shopping Experience at SM Supermarket and Savemore Market

GET ready to elevate your shopping experience with Discounts and Delights at SM Supermarket and …

Bong Revilla Lani Mercado Tondo Fire

Walang politika sa pagtulong sa mga kababayan nating nasunugan —  Revilla

NANAWAGAN si Senador Ramon Revilla, Jr., kasama ang kanyang kabiyak na si Congresswoman Lani Mercado …

Pandi Bulacan karosa

Sa Singkaban Festival 2024
Summer themed na karosa ng Pandi nangibabaw sa parada

BILANG pagkilala sa umuusbong na reputasyon bilang pangunahing leisure destination, gumawa ng alon ang Bayan …

Bulakan Bulacan

3 patay sa sunog sa bulacan

TATLO ang namatay sa naganap na sunog sa isang residential house at isang e-bike store …