Wednesday , April 2 2025
Gretchen Barretto

Gretchen kompirmadong tatakbong kongresista

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG maugong na maging ang dating ST Queen na si Gretchen Barretto ay tatakbo nga raw congressman. 

Noong una ang sinasabi ay sa Makati siya tatakbo, ngayon may nagsasabi namang sa Maynila siya lalaban. Pero ang kapatid niyang si Claudine ay hindi naniniwalang papasok nga ang ate niya sa politika.

Sinasabi ni Claudine na wala sa pamilya nila ang talagang politiko, bagama’t noong nakaraang eleksiyon ay tumakbo siyang konsehal sa Olongapo, kasama ng talent manager na si Arnold Vegafria, at pareho naman silang natalo.

Gayunman, sinabi rin ni Claudine na hindi niya alam kung tatakbo nga ang kanyang kapatid bagamat mahilig ding tumulong sa ibang mga tao. Hindi nga ba’t noong panahon ng pandemya ay nagpapadala siya ng ayuda sa mga kakilala niya sa show business. Kaya sinasabi rin ni Claudine kung tatakbo nga ang kanyang ate tutulong din siya sa pangangampanya niyon. Puwede nga bang hindi? Sinuportahan naman siya ni Gretchen noong panahong kailangan niya ng tulong sa buhay niya.

Aminado rin naman siya na sa kanilang magkakapatid, si Gretchen ang mas umabot sa matinding kasikatan kung ikokompara sa kanilang lahat.

Kaya kahit na matagal na iyong wala sa showbusiness, tiyak na naroroon pa rin ang recall ng kanyang pangalan sa isipan ng mga botante.

Pero talaga nga bang tatakbo si Gretchen? At bakit congressman ang kanyang tatakbuhan?

About Ed de Leon

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …