Thursday , November 28 2024
Alan Peter Cayetano PhilSCA

Papel ng mga magulang sa tagumpay ng Kabataang Filipino, binigyang diin ni Cayetano

BINIGYANG-DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang kahalagahan ng suporta ng magulang sa pagkakamit ng tagumpay ng mga kabataang Filipino sa kanilang napiling karera.

Ibinahagi ni Cayetano ang mensaheng ito sa mga nagsipagtapos sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) at kanilang mga magulang sa commencement ceremony nitong 24 Agosto 2024 na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“The people who will encourage you, help you, fund you, push you, and pick you up are in this room. Who are they? Your parents, professors, best friends, brothers, and sisters, because they’re the most important people to us,” wika niya sa mga graduate.

“What they say matters and hurts us the most: ‘hindi mo kaya’, ‘mali ang ambisyon mo’, ‘hindi ka marunong’,” pagpapatuloy niya.

Ito aniya ang dahilan kaya mahalagang ang mga magulang at ang kabataan ay maging bukas sa isa’t isa pagdating sa kanilang mga mithiin sa buhay upang maiwasan ang mga pagtatalo.

“You (graduates) have to talk about your vision. And parents, you have to talk to them din kasi minsan ‘yung iniisip n’yo kung saan sila 10 years from now, iba sa iniisip nila,” wika niya.

Kung wala aniya ang ganitong ugnayan, “mag-aaway talaga kayo.”

Hinikayat niya ang mga magulang na magsilbing gabay at magbigay ng lakas ng loob sa kanilang mga anak habang nagtitiwala na kaya nang makapagpasya para sa kanilang sarili.

Binati rin ni Cayetano ang mga nagsipagtapos para sa kanilang pagtitiis at dedikasyon na pagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay-estudyante, at ang kanilang mga magulang para sa kanilang mga sakripisyo.

Kasabay nito, hinamon niya ang mga nagtapos na itaguyod ang mga pamantayan ng kanilang prestigious university at gumawa ng mga tamang desisyon upang marating ang kanilang mga pangarap.

“Babantayan namin kayo, and we hope to do our part that government will continue to support na ma-achieve niyo ang inyong vision,” dagdag niya. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

BingoPlus FEAT

BingoPlus awards historic ₱154M jackpot prize 

BingoPlus, the country’s premiere digital entertainment platform in the country, marked a historic milestone by …

Farmer bukid Agri

Pagpapataas sa antas ng sektor ng agrikultura muling iginiit ni Escudero

MULING nanawagan sa pamahalaan si Senate President Francis “Chiz” G. Escudero na itaas ang antas …

Win Gatchalian relief operations

Gatchalian tulong pinaigting
AYUDA SA NASALANTA IPINAMAHAGI PARA SA BICOL AT NORTHERN LUZON

PINAIGTING ni Senador Win Gatchalian ang kanyang relief operations sa ilang munisipalidad sa Catanduanes, Albay, …

Makati Taguig

Residente ng EMBOs  desmayado kay Abby

“MASAMA po ang loob namin. Sabi niya noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang …

Cavite TOL Patriots WMPBL Francis Tol Tolentino

Bilang suporta sa kababaihang atleta  
Cavite TOL Patriots, sasabak sa WMPBL

BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang …