Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Doble-kara si Imee Marcos

SIPAT
ni Mat Vicencio

BISTADO si Senator Imee Marcos na pinaiikot lang niya si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte lalo na si Vice President Sara Duterte para magamit ang makinarya at impluwensiya, at masiguro ang kanyang panalo sa darating na eleksiyon.

Posturang oposisyon si Imee at kunwaring todo-upak sa kasalukuyang administrasyon pero kung tutuusin ay hilaw, malasado, at kalkulado ang mga banat sa kapalpakan ng pamamalakad ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Hindi rin totoong etsapwera o ‘wala sa kusina’ ng kasalukuyang administrasyon si Imee dahil siya na mismo ang nag-break ng news sa GMA Network kung sino-sino ang 12 kandidatong senador ni Bongbong sa 2025 midterm elections.

At siyempre, kasama si Imee sa senatorial slate ng administrasyon sa ilalim ng Nacionalista Party.

Sabi pa ng isang staff ni Imee… “nilalaro lang ni SIM (Senator Imee Marcos) si Digong para magkabalikan sila ni PBBM.”

Kaya nga, malinaw na pambobola ang ginagawa ni Imee kay Sara sa layuning makuha ang suporta nito at tuluyang mabasbasan ng Hugpong ng Pagbabago o HNP ang kanyang kandidatura.

Ang gulang ni Imee, meron ng endorsement kay Bongbong ng Partido Federal ng Pilipinas at babasbasan pa ni Sara ng HNP? Kapal mo tsong!

Pero nagkakamali si Imee kung inaakalang nabobola niya si Sara dahil mismong mga malalapit na kaalyado ni Digong ang nagsasabing hindi dapat pagkatiwalaan at paniwalaan ang senadora.

Kaya asahan ni Imee na wala siyang suportang makukuha mula sa HNP ni Sara at malamang wala rin makuhang boto sa mga baluwarte ni Digong sa lalawigan ng Mindanao.

Malinaw na ‘namamangka sa dalawang ilog’ si Imee.  Gusto laging nakalalamang at hindi pumaparehas sa anumang laban. Galit ang taongbayan sa taong ‘magulang’ at tiyak na may paglalagyan sa nakatakdang halalan.

Sabi pa nga ni Imee… “Kahit ako na lang ang natitira, patuloy kong susuportahan si Digong. Kaibigan ko talaga siya, higit sa lahat si Inday Sara.”

               Hay na ko, plastik na, doble-kara pa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …