Friday , November 22 2024
Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan ANIM

ANIM coalition inilunsad kontra korupsiyon at political dynasty, Reporma sa halalan isusulong

INILUNSAD ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) na naglalayong labanan ang korupsiyon, political dynasty, at isulong ang reporma sa halalan.

Sa pamamagitan ng koalisyon, titiyakin na marinig ang boses ng taongbayan para sa tunay na pagbabago ng pamahalaan nang sa ganoon ay maramdaman ng bawat Filipino ang isang maunlad na bansa.

Kabilang sa mga sektor na nabibilang sa ANIM ay ang religious, military, at uniformed personnel, business and professionals, kabataan, kababaihan, at civil society organizations.

Ayon kay ANIM Chairman Edilberto Adan, isang retired general ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang kanilang samahan ay para sa pag-unlad ng bansa kalakip ang katotohanan, integrity, meritocracy, good governance, social justice, at national security.

Ayon kay Philippine Caritas President Bishop Colin Bagaforo, ang korupsiyon maituturing na paglabag sa Sampung Utos ng Diyos na “huwag kang magnakaw.”

Ibinunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang talamak na korupsiyon sa pamahalaan.

Ayon kay Magalong halos 30 porsiyento na lamang ng kabuuang 100 porsiyento ang napupuntang pondo sa programa ng pamahalaan.

Kabilang sa tinukoy ni Magalong ang rock netting project at mga pailaw sa mga kalye na napapakinabangan ng taongbayan at mga motorista.

Aminado si Magalong na sa kasalukuyan ay patuloy siyang naghahanap ng ebedensiya at mga testigo at kapag matapos niya ito ay magsasampa siya ng kaukulang kaso sa mga politikong alam niyang nakinabang ngunit tumanggi siyang pangalanan sa ngayon.

Naniniwala si Atty. Alex Lacson, isa sa mga nagsalita sa paglulunsad na maituturing na isa nang negosyo ang political dynasty.

Dahil dito sinabi ni Lacson na mayroon silang mga hakbang na gagawin upang marinig ang boses ng taongbayan.

Kabilang dito ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema, pagdulog sa kongreso, at ang peoples initiative na hindi daraan pa sa kongreso ang paggawa ng batas ukol sa political dynasty kundi mismong ang mamamayan lamang ang kailangan gumawa.

Tinukoy ni Lacson na kailangan nila ng tigtatlong porsiyento ng prima ng populasyon o botante sa isang distrito at 25 porsiyentong lagda sa kabuuang bilang ng mga botante.

Sinabi ni dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner August “Gus” Lagman, hindi kasama ang automated election ngunit ang masama ay walang isang nakasaksi kung paano binilang ang boto ng mga botante maliban sa makina.

Payo ni Lagman, mahalaga ang transparency kung kaya’t natapos ang botohan ay dapat isagawa ang manual counting na nasaksihan ng mga tao at pagkatapos ay saka isagawa ang automation.

Buo ang paniniwala ng mga dumalo sa paglulunsad ng koalisyon na kailangan nang magkaisa at magsama-sama ang lahat upang marinig ang damdamin at tunay na saloobin ng taongbayan.

Naniniwala sila na ito ang tamang panahon upang wakasan ang tatlong isyu na kanilang tinutukoy upang ang mga susunod na salinlahi ay magkaroon ng magandang bukas at hinaharap. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …