Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Chiz Escudero

Sa isyu ng impeachment
TIKOM-BIBIG PAYO NI CHIZ SA SENATORS

HINILING ni Senate President Francis “Chiz” EScudero sa kanyang mga kapwa senador na busalan o itikom ang bibig sa pagbibigay ng komento ukol sa usapin ng impeachment case laban sa impeachable officer o  opisyal ng pamahalaan.

Inihayag ito ni Escudero matapos ibunyag ni Vice President Sara Duterte na maugong ang usapin sa pagsasampa ng kasong impeachment laban sa kanya sa mababang kapulungan ng kongreso.

Payo ni Escudero hindi dapat patulan ng mga Senador ang chismis, sabi-sabi o mga usapin ukol sa impeachment.

Paalala ni Escudero sa bawat senador, sa sandaling umakyat sa Senado ang impeachment complaint sila ay tatayong mga hukom at huhusga sa magiging kapalaran ng isang kaso.

Ang Senado ay tatayong impeachment court sa sandaling sampahan ng impeach case ang sinoman sa mababang kapulungan ng kongreso.

Paglilinaw ni Escudero, hindi lamang sa usapin ng Bise President ang kanyang paalala sa kanyang mga kapwa Senador kundi sa ibang mga usapin ng impeachment na ihahain sa mababang kapulungan ng kongreso.

Binigyang-linaw ni Escudero, ayaw niyang mapulaan o mabigyan ng kulay ang isang senador at akusahang na-pre judge ang isang kaso ng impeachment complaint kung siya ay magbibigay ng komento ukol dito.

Ngunit aminado si Escudero na hindi niya kontrolado ang bawat senador kung kaya’t hangga’t maaga, siya’y nagpapaalala. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …