Saturday , November 23 2024
Ruffy Biazon Muntinlupa

Kontaminasyon ng water supply mula sa dumi ng tao
CONDO SA FILINVEST TIYAK NA PANANAGUTIN — MAYOR RUFFY

TINIYAK ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na kanyang pananagutin ang mapapatunayang maysala sa idinulog na reklamo sa kanya ng isang residente ng condominium na kontamindo ng dumi ng tao ang supply na tubig sa kanyang condominium unit.

Ang pagtitiyak ni Biazon ay matapos na personal na dumulog sa kanya si Monalie Dizon, isa sa condominium unit owner ng The Level Condominium na pag-aaari ng Filinvest, kung saan siya nakaranas na habang naliligo’y naaamoy niya ang mabahong tubig at tila malagkit sa katawan.

Dahilan ito upang agaran niyang ipasuri ang tubig sa isang pribadong laboratory at natukalasan ang fecal coliform na lubhang mapanganib para sa kalusugan ng mga tao dahil maaari itong mauwi sa pagkamatay sa sandaling makaranas ng dehydration dulot ng diarrhea at iba pang uri ng sakit sa tiyan.

Ayon kay Dizon, nagpasya siyang magtungo sa tanggapan ng alkalde matapos siyang ‘paikut-ikutin’ sa tanggapan ni City Health Officer-In-Charge (OIC) Dr. Juancho Dizon sa naging resulta ng kanilang naunang pagsusuri ukol sa naturang supply ng tubig.

Bukod dito, nagtataka si Dizon na tila hindi sumusunod ang management ng condominium sa iniutos ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na maglabas ng abiso sa kanilang mga tenant.

Dahil dito nagbanta si Dizon na pinag-aralan na ng kanyang mga abogado ang pagsasampa ng kaukulang reklamo ukol sa insidente.

Tiniyak ni Biazon na kanyang patututukan ang naturang reklamo ng isa sa kanilang mga residente at papanagutin ang sinomang may sala.

“Trust the process. Sinesegurado natin sa Muntinlupa na sinusunod ang proseso, at kung may lumabag man sa batas, kakaharapin nila ang karampatang parusa,” ani  Biazon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …