Saturday , April 5 2025
Daniel Fernando

Kasunod ng oil spill incident mula sa MV Terranova
INCIDENT COMMAND POST INALERTO NI GOV. FERNANDO

INIHAYAG ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang pagpapalabas ng memorandum para sa mga lokal na punong ehekutibo sa lalawigan hinggil sa mandato para sa agarang aksiyon bilang tugon sa potensiyal na banta ng oil spill sa baybayin ng Bulacan mula sa tumaob na tanker na MT Terranova sa Limay , Bataan sa isinagawang Joint NDRRMC – RDRRMC3 Emergency Meeting on the Oil Spill Incident in the Province of Bataan na ginanap sa RDC Hall, NEDA Region III, DMGC, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Sa Memorandum DRF-07292024 na naka-address sa LCE ng mga lungsod ng Malolos at Meycauayan, Bulakan, Hagonoy, Calumpit, Marilao, Paombong, at Obando, mariing pinayohan ni Fernando na lahat ng fishpond operator ay dapat anihin ang kanilang mga isda, alimango, hipon, at iba pa sa lalong madaling panahon bago sila mahawa ng langis, gaya ng inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ini-activate na rin ni Fernando ang incident command post ng lalawigan isang araw matapos ang mga ulat sa oil spill incident na pinamumunuan ni Bulacan Environment and Natural Resources Officer, Atty. Julius Victor C. Degala at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Manuel M. Lukban na pangasiwaan ang patuloy na monitoring at assessment sa mga apektadong lugar.

“Ngayon po ay patuloy ang ating pagsasagawa ng mga aksiyon at nag-create po tayo ng technical working group at nagtalaga po kami ng incident commander which is BENRO and PDRRMO para masubaybayan ang lahat ng mga nangyayari,” ayon sa gobernador.

Pinayohan din niya ang mga mangingisda na iwasan ang paglalayag sa mga lugar na apektado ng oil spill habang ang mga may-ari ng fishpond na may dike ay dapat tiyakin na ang kontaminadong tubig ay hindi papasok sa kanilang mga fishpond at dapat panatilihing nakasara ang check gates o sluices.

Batay sa ulat ni Atty. Degala, nagpakalat na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 70 tauhan at dalawang pick-up truck, isang boom truck, isang JAC Truck at isang Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) na nakatalaga sa Staging Area sa CGSS Obando at sa Bulacan PDRRMO.

Nakatipon ang PCG ng 600 coconut logs, 11 25-meter segment fence booms, 10 pakete ng oil snare booms, anim na bales ng absorbent pads, at limang bales ng absorbent booms na nakaposisyon sa CGSS Obando.

Sa pulong na pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., iba’t ibang ahensiya kabilang ang PCG, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), DILG, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang mga lokal na yunit ng pamahalaan ay nagbigay ng kanilang mga ulat sa sitwasyon at ang mga aksiyon na ginawa upang maiwasan at mabawasan ang pagkalat ng Industrial Fuel Oil (IFO) na tumatapon sa fuel tanker, na nagdudulot ng mga panganib sa kalusugan, sa kapwa tao, at buhay sa tubig na nakalantad sa kontaminasyon.

Kasama ng konseho, iminungkahi ni Abalos na magsagawa ng pang-araw-araw na pagsusuri at pagsubaybay sa kalidad ng tubig ng mga apektadong lugar at ang paglikha ng core group na responsable sa koordinasyon at pamamahala sa pagtugon sa mga local government units (LGUs) na apektado ng oil spill.

“What is important is you do your report and everyday testing (water quality), ibigay agad sa mga gobernador, sa mga mayors – sa lahat. Napaka-importante noon,” saad ng kalihim.

Ang mga kamakailang ulat ay nagsabi na ang Marine Science Institute ay may naobserbahang ilang oil sheens at oil slicks malapit sa tubig ng Barangay Taliptip sa Bulakan; Tibagin sa Hagonoy; at sa Brgy. Pamarawan, lungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …