Friday , November 15 2024
MT Terra Nova oil spill

Bulacan would be the main site – DENR
3 LALAWIGAN APEKTADO NG OIL SPILL SA BATAAN

SINABI ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga nitong Sabado, 27 Hulyo, kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang oil spill na dulot ng lumubog na MT Terra Nova sa Bataan ay maaaring makaapekto sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, at Pampanga.

Sa isang situation briefing tungkol sa epekto ng Super Typhoon Carina at ng Enhanced Southwest Monsoon sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, ipinakita ni Yulo-Loyzaga kay Marcos ang isang diagram mula sa Biodiversity Management Bureau na tumutukoy sa mga yamang baybayin at dagat gayondin ng marine protected areas na maaaring maapektohan ng oil spill.

“We are on lookout now for the possible contamination that could happen in the wetlands and the coastline areas not just of Bataan, but we are also looking at Bulacan, and we are also looking at Pampanga, possibly Cavite because of Corregidor,” ani Yulo-Loyzaga.

Iniharap ni Yulo-Loyzaga ang imahen mula sa Philippine Satellite Agency ng oil spill na kumalat na patungong Bulacan.

Samantala, ipinakita ng model run ng UP Marine Science Institute ang spill na batay sa Philippine Space Agency (PhilSA) na maaapektohan ang mga baybayin ng Bulacan kung magpapatuloy ang kondisyon ng panahon.

Dagdag ni Yulo-Loyzaga, may mga sightings sa daloy patungo sa Corregidor at ang Cavite ay isang lugar na posibleng maapektohan.

Inusisa rin ni Marcos kung napanatili ang initial assessment ng oil spill na umaabot sa 60 kilometrong hilaga ng Metro Manila.

“Bulacan would be the main site, Mr. President,” tugon ni Yulo-Loyzaga. “Sa puntong ito, kung magpapatuloy ang lagay ng panahon, dahil nakadepende tayo sa hangin at agos, nakadepende rin tayo sa capping ng mga tagas at sa interbensiyon sa site ng sisidlan.”

Nagsagawa ang DENR ng anticipatory action para masubaybayan ang mga pagbabago sa NCR, Regions 3 at 4-A para maagapan ang posibleng pagbabago sa trajectory ng oil spill.

Ipinag-utos ng pangulo kaugnay sa payo ng DENR sa mga pamahalaang panlalawigan na posibleng maapektohan na maglagay ng mga organic spill boom sa mga coastal areas upang maiwasan ang pagkalat ng oil spill.

Isang tao ang namatay matapos tumaob ang MT Terra Nova at nagdulot ng oil spill sa Bataan nitong Huwebes sa layong 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay bandang 1:10 ng madaling araw. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …