Friday , November 22 2024
Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataang Pasayeño.

Kahapon, 15 Hulyo 2024, lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) sina Pasay City Mayor Imelda Calixto Rubiano at Council for the Welfare of Children (CWC) Undersecretary Angelo Tapales upang isulong ang Makabata Helpline 1383 na layong protektahan ang mga kabataan mula sa iba’t ibang uri ng karahasan at panganib.

Sa ilalim ng MOU, nagkasundo ang Pasay LGU at CWC na ipalaganap ang Makabata Helpline 1383 upang magamit sa pagtanggap ng ulat, reklamo, at impormasyon at bumuo ng kolektibong responsibilidad upang protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga bata sa Pasay.

Nanguna sa signing ceremony si Mayor Emi at ang  Pasay Social Welfare and Development Department, at si Usec. Tapales bilang kinatawan ng CWC.

         Napagkasunduan sa MOU ang pagbalangkas ng mas ligtas at mapagkalingang kapaligiran na ang bawat bata sa Pasay ay maaaring umunlad at maabot ang kanilang buong potensiyal na maging bahagi ng pamayanan.

Ayon kay Mayor Emi, ang inisyatibang ito ay isang kolektibong responsibilidad ng lokal, nasyonal, at sibikong mamamayan upang mapalakas ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo at suportang pangkalusugan sa mga kabataan at sa kanilang pamilya.

Kasabay nito, tiniyak ng punong lungsod na isasakatuparan sa ilalim ng kanyang pamumuno ang inisyatibong makalikha ng pangmatagalang proyekto para sa kagalingan at mapayapang kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga kabataan sa lungsod ng Pasay. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …