Monday , November 25 2024
Francis Tolentino

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Ayon kay Tolentino kilala ang mga Pinoy Nurses pagdating sa maayos na serbisyo at magaling na pag-aasikaso sa mga pasyente dito sa sariling bansa hanggang sa ibayong dagat.

Tinukoy ni Tolentino na kahit noong panahon ng pandemya, isang Filipina nurse ang kauna-unahan at kompiyansang nagtusok ng Covid-19 vaccine, patunay na iba ang kalidad ng Pinoy nurses.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag sa kanyang pagdalo bilang guest speaker sa 51st Founding Anniversary at 49th Annual Convention and Scientific Meeting ng periOperative Registered  Nurses Association in the Philippines (ORNAP).

Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Tolentino na siya ang nag-akda ng Philippine Nursing Practice Act of 2022 sa senado.

Nakalulungkot lamang aniya na hindi siya ang chairman ng Senate committee on health Kung kaya’t hindi niya ito nabigyan ng sapat na panahon.

Dahil dito tiniyak ni Tolentino na kanyang kakausapin si Senate President Francis “Chiz” Escudero upang mabigyan ng pansin ng senado ang naturang panukala.

Imumungkahi ni Tolentino kay Escudero ang posibilidad na lumikha ng sub o special committee na ang naturang panukala ang tututukan.

Layon ng panukala ni Tolentino na maipantay ang sahod ng mga nurses na nagtratrabaho sa mga private hospitals tulad ng suweldo ng mga nurses na naglilingkod sa mga public hospital upang hindi na nilamaisipang mag-abroad.

Tanong ni Tolentino, “ano ang gagawin ng bansang maraming ospital kung kulang naman tayo sa mga nurses dahil nagsipag-abroad na ang marami sa kanila?”

Sa huli Binigyang-diin ni Tolentino na hindi kayang tawaran ang husay at galing ng mga nurses na Pinoy. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …