Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bongbong Marcos Francis Tolentino

Tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Calabarzon Region sa pamamagitan ng TUPAD program ikinasa

MAHIGIT sa 12,000 mangingisda at magsasaka mula sa lalawigan ng Cavite at Rizal ang nabigyan ng tulong at ayuda sa pamamagitan ng Presidential Assistance o Tupad program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Dasmariñas Arena sa Dasmariñas City, Cavite.

Tumanggap ng tig P10,000 ang bawat mangingisda at magsasaka sa presensiya nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Senador Francis Tolentino kasama ang ilang opisyal ng lalawigan ng Cavite at Rizal para saksihan ang pamamahagi ng DSWD.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Tolentino na kanyang papasyalan sa 16  Hulyo 2024, araw ng Martes sa susunod na linggo ang mangingisdang nabangga ng dambuhalang Chinese vessel sa karagatan ng West Philippine Sea malapit sa Bajo de Masinloc noong 7 Huloy 2024 .

Ayon kay Tolentino, nakausap na niya si Robert Mondeñedo at ang pamilya ng nawawalang mangingisda na si Jose Mondeñedo at nagpadala na ng tulong pinansiyal sa pamilya ng mga biktima.

Aniya, sinulatan na niya ang ilang ahensiya tulad ng Department of Justice (DOJ) upang tulungan ang mga mangingisda na makapagsampa ng kaso at makamit ang hustisya sa ginawang hit and run ng dambuhalang Chinese commercial vessel.

Umaasa si Tolentino na marerekober nang buhay ng Philippine Coast Guard ang nawawalang mangingisda at makamit ang hustisya para sa kanila.

Nanawagan si Tolentino sa mga kababayan na ipagdasal ang ating Philippine Coast Guard at Philippine Navy na nagbabantay sa ating karagatan sa West Philippine Sea. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …