Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montes Kathryn Bernardo

Julia ‘naisahan’ si Kathryn — parehong malayo na ang aming narating

ni Allan Sancon

NAGWAGI bilang best actress si Julia Montes para sa pelikulang Five Breakup and a Romance sa katatapos na 7th The Eddys o Entertainment Editors’ Choice ka-tie si Charlie Dizon para pelikulang Third World Romance.

Masayang tinanggap ni Julia ang kanyang trophy hindi lang sa pagiging best actress maging sa The EDDYS Box Office Heroes trophy nila ni Alden Richards.

Sa panayam kay Julia after niyang tanggapin ang award. Sinabi niyang, “Hanggang ngayon po hindi pa rin po  ako makapaniwala, sabi ko nga never naman akong umasa or nag-expect kapag may ganito. ‘Yung ma-nominate ka pa lang po or masabi lang na napanood ko ‘yung movie mo, gusto ko ‘yung ginawa mo roon, ‘yun pa lang po ay reward na. 

“So, ‘yung nangyari ngayong gabi sobrang overwhelming at parang lalo akong nagkaroon ng drive na gumawa pa ng mas marami pang film at serye para mai- share kung ano ‘yung mayroon pa ako. “

Magkalaban bilang best actress sina Julia at Kathryn  kaya naitanong ng ilang press ang reaksiyon niya rito.

Masaya ako para sa kanya, everytime na  nakikita ko siya na binibigyan ng parangal, at nano- nominate kami, masaya ako. Kasi ang layo na po ng narating naming dalawa at ‘yung mga pangarap namin ay natupad  At ako po ang pinaka-proud sa kanya kapag may mga achievement siya. 

“Sabi ko nga, kami ang magkapatid by heart, kami ang loveteam by heart. Kung maging success ang isa ganoon din po ang saya ng isa. Hindi man ‘yun nakikita ng tao sa social media pero sobrang supportive ni Kathryn sa akin.”

Posible bang magkatrabaho uli silang dalawa ni Kathryn?

“Yes, we are hoping and praying na mayroon pong project na maibigay sa amin, iba rin kasi at masarap makatrabaho ang taong alam mong mahal mo. Sana nga soon makatrabaho ko uli si Kathryn.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …